CHAPTER SIX

3.2K 104 18
                                    

“BALIK na naman sa dati ang ayos mo?” tanong sa akin ni Ate Helen pagpasok ko ng opisina. “Okay naman yung kahapon ah.”

            Nginitian ko siya. “Ngayon lang natuyo ang mga damit ko kaya wala akong choice kundi gamitin ang mga iyon kahapon. Iyon po kasi ang mga sinusuot ko kapag pumapasok ako sa school noon.”

            “Eh ‘di ang cute mo sigurong tingnan noon. Parang nai-imagine ko na.”

            Umiling ako agad. “Naku ate, hindi totoo –“

            “Cute kaya kapag ganoon ang suot mo. Tapos may suot ka pang glasses. Para kang cartoon character.”

            Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Dylan sa pintuan habang nakangiti sa aming dalawa ni Ate Helen.

            “Good morning,” nakangiting untag niya habang naglalakad papunta sa desk niya. Tapos ay pinansin niya ang mesang nakalagay sa tabi ng pwesto niya. “Mukhang ako ata ang magiging seatmate nung bago nating kasama ah.”

            “Mukha nga,” nakangiti kong tugon kay Dylan.

            Hindi nagtagal ay dumating na rin sina Chase, Jules, at Byron. Limang minuto bago sumapit ang alas-otso, saka naman dumating si Lianne kasunod si Marco.

            “Good morning, people!” magiliw na bati ni Marco sa amin.

            Binati naman siya pabalik ng iba ko pang mga kasama, pero hindi ko na lamang siya pinansin. Alam kong rude iyon, pero hindi talaga ako komportable sa kanya.

“Ito pala ang magiging desk mo sabi ni Byron,” ani Ate Helen habang itinuturo sa kanya ang mesa na malapit kay Dylan.

Nagpasalamat siya kay Ate Helen, at inilagay ang bag niya sa loob ng isang bakanteng drawer sa mesang iyon. Tapos ay iginala niya ang mga mata sa opisina, na para bang meron siyang hinahanap.

“May problema ba, Marco?” tanong sa kanya ni Chase.

“Hinahanap ko lang yung kasama natin sa meeting kahapon. Yung naka-glasses. Hindi ba siya dito naka-assign?”

Natigilan ako sa pagtipa sa keyboard ng computer, at napalingon ako sa direksyon niya. Medyo nagulantang ako nang mapansin kong lahat pala sila ay nakatingin na sa akin maliban kay Marco.

Maya-maya ay lumapit si Jules sa pwesto ko at agad akong itinuro. “Ito siya. Si Ellie.”

Ibinaling sa akin ni Marco ang tingin, at pinagmasdan niya ako nang mabuti. Sa tingin ko ay nagulat si Marco sa ayos ko ngayon dahil naka-pustura ako at may make-up pa sa mukha. Gamit ko na rin ang contact lenses ko kaya iniwan ko na ang eyeglasses sa bahay.

Hinila niya ang swivel chair na gamit niya palapit sa akin, at naupo siya para mas matingnan niya ako nang mabuti. Napaatras ako dahil sa pagkailang na nararamdaman ko bunga ng ginagawa niya.

“Ikaw ba talaga iyon?” tanong niya sa akin.

“I am,” I replied as calmly as I could.

Sa tingin ko ay bahagya siyang nag-isip. Mukhang hindi siya naniniwala na ako iyon. Ano ba ito? Clark Kent syndrome? Hindi ba niya ako nakikilala kapag wala akong salamin?

Dear Dylan [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon