Intramurals, ang pinakahihintay ng mga estudyante...
pano ba naman?! maraming games, booths, pagkain at higit sa lahat WLANG PASOK..
"ANG BORING naman ng intrmas nato" napabuntong-hininga si Stephanie..
"eh kasi wala man lang tayong sinalihan na events!!" ipinatong ko ang kamay ko sa baba ko.
"promise, next intrams sasali ako sa PAGEANTS" taas ng pangarap nito..
eto kami, nakaupo sa isang bench at pinagmamasdan ang mga taong naglalakad.
"excuse me" umusog kami konti ni Phanie kasi may ididikit ata yung lalaki sa puno na nasa likod lang namin.
"Sharenn, tingnan natin" pagkaalis ng lalaki ay sya namang paglapit namin.
"HORROR BOOTH, 4TH BUILDING 8:30-5:00"
nagkatinginan kami ni Phanie at ngumiti ng makahulugan.
Agad kaming nagpunta s 4th building, di ko man maikaila talgang natatakot ako.
"diba natry mo na yan nung 2nd yr. ka?kaya wah ka ng matakot"
tama, pero bata pa ako nun at di pa masyadong matatakotin.
---------
Nang makarating kami sa 4th building marami ng estudyanteng ndandun pero karamihan sakanila ay nagsiuwian na.
"kuya, open na ba kayo?" lumapit agad si Phanie dun sa nag oorganize at nagtanong.
"mamaya pa kami 12:00 kasi nagreready pa ang mga aswang" napa-upo si Phanie, di naman halata na excited siya.
Dahil na curious ako, lumapit ako dun sa pintoan nila.
Napakadailim ng kwarto at isang ilaw lang ang nagbibigay liwanag..(take note|: pula ito)
Hinanap ko ang mga aswang pero isang gwapong lalaki ang namataan ko, nakatayo sya dun at nakatitig rin sa akin. di ko maiwas ang tingin ko sakanya at ganon rin sya.
"ANG GWAPO" naibulong ko sa sarili ko.
Nakaiwas lang ako ng tingin ng tawagin ako ni Phanie.
"Sharenn, alis na lang tayo. Balik na lang tayo bukas"
Naglakad kami paalis ng 4th building.
"ANG GWAPO NIYA TALAGA"
--------
Last day na ng Intrmas at sa kasamaang palad di na ako muling niyaya ni Phanie sa Horror Booth at di ko na rin nakita si Kuyang Gwapo.
Kasalukuyan kaming nasa gym at nanunuod ng Basketball.
Sigaw ng sigaw si Phanie pero ako tahimik lang na nanunuod, bakit naman ako sisigaw eh di ko naman sila kilala..
"ARAY!" natamaan ng isang bag ang batok ko.
"Sorry"
magagalit pa sana ako pero di ko na nagawa kasi hinila ni Phanie ang buhok ko.
(note: normal na sa amin ang magkasakitan)
"yung no. 16 crush ko yon" sabi niya habang tinuturo yung no. 16.
"kailangan mo talagang hilahin ang buhok ko?"sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko.
nagkibit-balikat lang si Phanie at ngumiti.