Lucky Charm

1K 10 0
                                    

Itinaas niya ang lucky charm upang pagmasdan iyong mabuti. Nasa backseat siya ng sasakyan kaya kahit paano ay nagkaroon siya ng pagkakataong mapag-isa.

Siguro ay dapat na niyang pakawalan ito. It was what was holding her back to her past. Iyon ang alaala ng kanyang nakaraan na hindi niya magawang pakawalan kaya siguro, hindi rin siya maka move on.

Wait for me. I promise, I’ll be back…

 

Iyon ang naririrnig niyang isinisigaw ng kanyang isip. Pero until when she will wait? Hanggang kailan niya hahawakan ang alaala na iyon ng kanyang nakaraan?  Siguro its time for her naman to let go the past. Gaya ng ginawang paglaya ni GD sa pangako nito sa kanya.

Kaya ngayon malaya na ito sa piling ng iba. Binuksan niya ang bintana at inilabas ang kanyang kamay, hawak ang kwintas na iyon. It was time to say goodbye to her past. Pumikit siya nang mariin at nagbilang. Ngunit umabot na siya nang sampu ay hindi pa rin niya magawang pakawalan ang hawak. Pumikit siya ng mariin.

Don't cry over the past, it's gone.

 

Kahit anong pigil niyaay kusa nang tumulo ang kanyang luha. Bakit GD? Bakit? Ang kasalanan ko lang naman ay minahal kita.

 

"Are you going to drop that or not?"

 
Napukaw ang atensyon niya nang magsalita ang kasama niya. Kaya ko ba talagang itapun ang kaisa-isang ala-ala nang lalaking pinaka mamahal ko?

"You have to decide now, girl!"

Alam ng puso ko kung ano talaga ang isinisigaw nito. Hindi ko kaya. Hindi man kami ngayon baka sa susunod na oras at panahon ay kami talaga.

I'm His PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon