Broken Dara

298 6 0
                                    

Malapit na ako sa class room namin ng lumabas si GD.  God! I miss that man! Sigaw ng puso ko.

Ilang araw na ba kaming hindi nagkita? 5 days? No, Its been two weeks.

Nag smile ako ng ubod ng tamis sa kanya pero ang lamig ng tingin niya sa akin. Why?

Babe! Lumabas si Akiko na naka ngiti. Lumapit ito kay GD at kumapit sa balikat nito.

Nakita kung isinandal ni Akiko ang ulo niya kay GD.

Aw! Nakalimotan ko palang may girlfriend siya bakit ba kasi ang assuming ko?

Nakayuko akung pumasok sa classroom.

Natapos nalang ang tatlong subjects ko ay wala parin ako sa sarili.

Ano ba talaga ako sa buhay mo GD?

xxx

Lunch break na at wala akung ganang kumain.

Pumunta ako sa may gym. Tahimik kasi dun at gusto kung mapag-isa.

Thanks, babe. I love you. Napahinto ako dahil sa narinig ko.

Tumingin ako kung saan galing yung boses.

Si Akiko pala. Nakasandal ito sa dibdib ni GD. Parang may tumusok sa puso ko.

Hays. Maka alis na nga -

Look, Akiko. I love you - rinig kung sagot ni GD.

Mabilis akung naglakad para hindi na marinig pa ang iba niyang sasabihin. Gusto kung umiyak pero pinipigilan ko lang.Ang sakit pala na malaman mong ang mahal mo ay may mahal nang iba.

xxx

Pumunta ako kay Jaydan. Gusto ko kasing mag half day. Nakayuko lang ako habang papunta sa classroom niya. Any moment ay tutulo na ang luha ko.

Nakita kung hindi pa tapos ang klase niya kaya hinintay ko nalang siya sa labas.

Tumitingin sa akin ang mga taong napapadaan. Nagtataka siguro ito kung bakit ako nandito.

Dara?! Napatingin ako sa may pinto. Si Jaydan pala.

Lumapit siya sa akin. Tumayo ako at lumapit rin sa kanya at yinakap. Muntik na kaming matumba.

Dandan, It hurts. Hindi ko na mapigilang mapa-iyak.Alam kung alam na nito kung bakit ako umiyak.

Shhhh. Pagtatahan niya sa akin. Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko. Patuloy parin ako sa pag-iyak.

It's ok Dara. Mas kinabig niya ako palapit sa kanya para itago ang mukha ko dahil umiiyak na talaga ako.

Jaydan? Si GD. Alam ko dahil kilalang-kilala ko ang boses niya. Nakasalubong siguro namin ito.Hindi ko kasi makita dahil nakatago ang mukha ko sa dibdib ni Jaydan.

What happened to Dara? Tanong nito na may halong pag-alala ang boses.

Nahilo lang. Hindi kasi nag breakfast. Sagot ni Jaydan.

Ganun ba? Si GD.

Parang nakaramdam ang puso ko ng saya dahil nag-alala pala siya sa akin.

Ok lang ba talaga siya? Tanong ulit nito.

Nahilo lang siya, babe. Kaya ok lang yang si Dara. Kaya lets go. Kasama pala nito si Akiko. Kumirot ang puso ko dahil sa sakit. Nalala ko na naman ang narinig ko kanina.

But- Hindi na natapos ang sasabihin nito dahil sinapawan na ito ni Jaydan.

Look, GD pare. Dara is fine. Nahilo lang siya. Kaya kung pwede, kung pwede lang uuwi na kami. Mas lalong hinigpitan ni Jaydan ang pagyakap sa akin. Humikbi na naman kasi ako.

Rinig kung bumuntong hininga si GD.

Lets go babe. May halo na ng inis ang boses ni Akiko.

Ramdam kung ginayak na ako ni Jaydan sa paglalakad.

Nasa parking lot na kami at inalalayan niya akung makapasok sa sasakyan niya.

Patingin-tingin si Jaydan sa akin habang nagmamaneho. Alam kung may gusto siyang sabihin.

Hindi ko siya pinansin. Tamihik rin akong nakatingin sa labas ng bintana.

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay dumeritso agad ako sa kwarto ko.

Humiga ako na patalikod. Umiiyak na naman kasi ako.

Alam ko ring sumunod si Jaydan sa akin.

Dara, I know umiiyak ka na naman. Please naman uh! Tumahan kana. Umupo ito sa gilid ng kama ko.

Dara, sana hindi ka na naman aalis ng bansa. Patuloy nito at saka bumuntong hininga ito.

Kasi last na umiyak ka ng ganyan eh iniwan mo ako. Hindi mo pa sinabi sa akin na aalis ka. Parang nanumbat na saad nito.

Pinahid ko ang mga luha ko at bumangon. Tumingin ako kay Jaydan. Malungkot ang mukha nito.

Ang selfish ko pala. Si Jaydan pa naman ang pinaka close ko sa lahat na pinsan ko pero mas pinili kung ilihim sa kanya and worst ay umalis ako ng bansa na hindi nagpaalam sa kanya.

Dandan, Im sorry ha? Promise hindi na kita iiwan. Lumapit ako sa tabi niya at yinakap siya sabay sandal ng ulo ko sa balikat niya.

Promise pag aalis man ako ng bansa ngayon o bukas ay isasama na kita. Pag jo-joke ko.

Napatawa naman ito.

Ok. Pasalamat ka malakas ka sa akin. Kinalas niya ang kamay ko at ako naman ang yinakap niya.

(A/N: Sino Jiko fan dyan? Taas kili-kili! Hehe. Ang sweet ni GD maging bf nu? Hays. Sana ako nalang si Kiko Mizuhara. Ahaha. Jk. GD fans out there dont cry. GD is just living his life. Support nalang tayo ha? Para maging masaya ang Dragon natin, k? Lovelots. Anyway, Daragon fan rin naman ako pero kung saan at sino ang totoo na mahal ni GD ay dun ako. Wala eh, mahal ko si GD kaya support nalang. Hehehe :) Dont forget to comment & vote for dedication )

I'm His PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon