CHAPTER 1

612 15 1
                                    

*Bang! Bang! Bang!*

"Shit!" Sambit ni Sapphire habang mabilis na nagmamaneho. Ilang beses pa syang pinaputukan ng humahabol sa kanya. Dumungaw si Sapphire sa bintana ng kanyang sasakyan at pinaputukan ito ng anim na beses.

Nang bumalik ito sa pagmamaneho, matalim na gumuhit ang ngisi sa mga labi ni Sapphire.

Inilabas nito ang kaliwang braso nito at walang tingin na inasinta ang kotseng sumusunod sa kanya at sa isang putok ng baril..

*Boooom!!*

Sumabog at tumilapon ang kotseng naghahabol dito at mabilis na nilamon ng apoy.

"See yah in hell, bastard!" Sambit ni Sapphire habang nakangisi ito.

Sapphire's POV

"Zap?!" Bati sakin ng pinsan ko si Kalea. "Mukhang badtrip ka ngayon ha" Sabat pa nito.

"Not now Lea, I'm not in a good mood" Pero dahil may ugali ang isang 'to nagbanggit ito ng bagay na ikinagalit ko.

"How's the James family? Nahanap mo na ba sila?" Tiningnan ko lang ito ng masama ngunit hndi ito natinag. Konting konti na lang at mapapatay ko na ang babaeng 'to.

"Tsk.tsk! For sure wala ka pang kahit na katiting na balita tungkol sa kanila.. Poor Sapphire. Napakabagal mo, nagmumukha ka ng tanga sa harap ng buong pamilya mo--"

Hindi ko na tinapos ang sasabihin nito, agad ko nang binunot ang punyal na nasa bandang hita ko at tinutukan agad ito.

"Wag mong inuubos ang pasensya ko.." Pagpuputol ko at idiniin ko pa ang punyal na nakatutok sa leeg nito. Nagpipigil ako at pinipilit na hindi sya tuluyan.

"Huli na 'to Kalea.. dahil pag inulit mo pa 'to.." Walang pag aalinlangang sinugatan ko sya sa leeg ngunit hindi ganoon kalalim.

Kitang-kita ko ang pagkagulat nito at pati narin ang takot.

"Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." Iniwan ko na ito at hinayaang nakaupo sa sahig ng bitawan ko ito.

Dumiretso ako sa lugar na kung saan ako ay madalas mapag-isa.

Sa treehouse na ginawa nang lolo ko nung ako'y bata pa.

Dati kasi madalas akong umiiyak pagkagaling ko ng school. Wala akong kaibigan noon, kinakatakutan na ako noon. Ang iba ay binubully ako at sinasabing anak daw ako ng demonyo.

*Flashback*

"Hi. What are you guys doin'?" Bati ko sa kanila. Napaatras naman ang mga ito.

"Why her eyes are like that?" Rinig kong sabi ng isang bata.

"I don't know.. maybe she's a monster or evil" Sagot naman ng isa.

"I know you're scared of me" Pagpapaliwanag ko sabay lapit sa kanila.

"But don't worry, I wont hurt--"

"Aaaahh! Get off me!" Sigaw ng isa nang hawakan ko ito sa kamay.

"Don't touch me you freak!" Sigaw nito. Tapos ay itinulak ako sabay takbo.

*End of Flashback*

Naramdaman kong may kumaluskos sa paligid. Naging alerto ako at nakiramdam. Ngayon pa lang ay naaaninag ko na ito kahit hindi ko pa sya nasusulyapan.

Habang nakatayo ako dahan-dahan kong binunot ang baril na nasa kaliwang hita ko at mabilis itong ipinutok sa may bandang likuran ko.

"Arghh!" Daing nito at ako'y napangisi.

"Tss. Gotcha!" Sabi ko at ito'y lumapit sa akin.

Ngayon ay kitang-kita ko na sya dahil nasa dilim sya kanina.

"Nice shot Sapphire. Wala ka paring kupas" Sabi nito at sabay kaming naupo.

"Welcome back.. Prince Cael. How's America?"

Napatingala ito at ngumisi. Mukhang hindi ito nagtagumpay sa plano nya.

Huminga ito ng malalim habang hawak ang braso na natamaan ko.

"I need your help Sapphire. I need the Princess Demon to kill that Cillian Kye Russell"

"Cillian Russell huh?.. Sure Cael, I'll help you" *evil smile*

******

Pababa ako ng hagdan ng matanaw ko ang isang matandang lalaki.

"How's my Princess?" Nakangiti nitong bati sakin. Malamig lang akong nakatingin dito habang nakangisi.

"I really love those red eyes.." sabat pa nito.

"Tss! Alam ko kung bakit ka nandito, wala pa akong balita sa pamilya nila kaya sayang lang ang pagpunta mo dito" Nilagpasan ko ito at akmang aalis na ngunit nagsalita ito.

"Mukhang hindi ka interesado... sa taong nag utos na patayin ka kahapon"

Napatigil ako ng marinig 'yon at maalala ang nangyari kahapon.

"Then who is it?" Pagpipigil kong tanong sa kanya. Ngayon pa lang ay gusto ko ng patayin ang taong may gawa non.

"Walang iba kundi si Amethyst"

Lalo akong nanggalaiti sa galit. Matagal ko ng gustong pulbusin ang ThreeSisters na yan!

Isa lang sila sa mga sagabal sa plano ko.

"The ThreeSisters again.. then I'll finish them"

Cael's POV

Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay si Sapphire. Ilang segundo na lang...

"5.. 4.. 3.. 2.." Kasabay nito ang atake mula sa likod ko at agad ko itong nailagan.

"Tss. You're always in time" Sabi ko.

"Well, parang hindi mo ko kilala. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. So anong plano mo?"

Tumayo ako at hinarap ito.

"Cillian have a business trip here in the Philippines. Gusto ko lang maging miserable ang business trip na 'yon" Pansin ko ang pagngisi nito.

"Tss. So that's it?" Tanong nito.

"Yup. I'm not that horrible Sapphire. Just do what I said Couz."

Bago ito lumisan ramdam kong aatakihin ako nito at mabilis ko syang natutukan ng baril pero huli na.. Konting kilos ko lang ay masusugatan na ako ng punyal nito.

"Okay Cael.. I'll make his businesstrip miserable"

At gumuhit ang talim sa mga labi nito. Nakakakilabot. Iba talaga ang ngiti ng isang demonyo.

******

[A/N]

Comment..

Vote..

Ilabas niyo po mga saloobin niyo :)))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE RED-EYED DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon