CHAPTER 1
Hi everyone ako ng pala si Lilian Anderson. I'm a Third year highschool 15 years old. I’m studying at Standerson Academy.
"Ate! malalate ba tayo tara na!" Rolo
"Oo andyan na!"
Nga pla siya ang younger brother ko si Rolo. Naghahanda na ako para sa pagpasok at malalate na kami ng mga kapatid ko. Thats right hindi lang si Rolo ang kapatid ko meron pang dalawa at sino sila? ma memeet niyo din...
Pumasok na kami ng school at luckily hindi naman kami na late right on time lang.
AFTER THREE HOURS... BREAKTIME...
"Phew! natapos din..."
"Uy Lil kamuntikan ka nang malate kanina." Shirley
BTW she's my classmate/bestfriend/nililigawan ng kapatid kong torpe.
"Oo nga... nalate kasi ako ng gising, napasarap ang tulog ko."
"Sabi nila pag masarap daw ang tulog, maganda ang napapanaginipan."
"Actually ang weird nga ng napanaginipan ko."
"Panong weird?"
Habang nagkukwentuhan ay pumunta kami ng canteen at bumili ng mga makakain. Sa dami ng tao lumipat kami ng rooftop at doon kumain.
"Ano? lalaking matangkad, mahaba ang buhok, malamig ang boses at basang basa sa tubig? san naman galing yun?"
"Hindi ko nga rin ba alam, at meron pa siyang sinabi."
"Ano yun? share mo naman..."
"Hindi ko masyadong maaninag yung mukha niya pero ang sabi niya; *Simula ngayon ikaw na ang bahala sakin, meron kang responsibilidad sakin mula ngayon...* at ayun... nagtataka naman ako kung bakit ganun ang sinabi niya ee samantalang wala naman akong ginawa sa kanya."
"Ang sabi niya RESPONSIBILIDAD di naman kaya may nangyari sa inyo?"
"Manahimik ka nga! kung ano ano iniisip mo di ako ganun di pa ako ready..."
"Hehehe... suri... Kung iisipin natin bakit niya yun sasabihin kung wala kang ginawa sa kanya. Baka naman maynagawan ka ng masama?"
"Pano naman yun mangyayari? ni hindi nga ako naglalalabas ng bahay..."
"Edi kung ganun... just forget it. Hindi naman siguro big deal yun panaginip lang naman yun."
"Tama ka, hindi ko nalang papansinin ..."
"Ikain nalang natin to gutom lang yan, kasi ako gutom na."
At kumain na kami. After break dumiretso na kami sa room para sa next class. Tumakbo ng mabilis ang oras at ayun uwian na.
After school niyaya ako ni Shirley na dumaan muna sa market place para magwindow shopping titingin daw siya ng pwedeng iregalo para sa kapatid niya dahil malapit na ang birthday nito.
Kung saan saan kami nakarating pero wala parin siyang mapili.
"Kailan ka ba makakapili ng pang ireregalo mo?" ako na medyo nababagot na
"Ee! gusto ko kasi memorable ayoko ng simple lang. Wah! ang cute naman nun."
At ayun pumasok ulit siya sa isang panibagong shop ako naman si sunod sa kanya.