Parents

1.7K 56 8
                                    

Linggo ng umaga at yun ang araw na pupunta sila sa squatters area para mamigay ng mga libreng pagkain sa mga mahihirap. Excited naman si Althea at Frances sa kanilang gagawin kaya the night before the event, sinabi ni Althea sa mga maids na bumili ng maraming groceries at siya mismo ang magluluto sa tulong na din ni Frances. So today, the couple only wore casual clothes for them to move freely throughout the day.

Bea texted Althea na magkita na lang sila don sa location at sinabi na rin nito na ready na ang lugar so Althea agreed at pumunta na sa kitchen. Kim, Steph, Lanze, Chelsea, and Kier is also present they said they want to help so Althea agreed but warned them to act normal and they all agreed but god knows what will happen right?

"Hey guys, ready na kayo?" Tanong ni Althea sa mga kaibigan na kakatapos lang mag impake ng mga pagkain at groceries.

"Yeah, pupunta na ba tayo?" Tanong ni Steph. Tumango naman si Althea at ngumiti.

"Let's feed those people today. It's gonna be fun!" Lanze shouted and they all smiled.

---

Inihinto ng driver ni Althea ang van sa location kung saan gaganapin ang feeding program, tinignan nila ang lugar sa loob ng sasakyan. Hindi biro ang init ng panahon so Althea sighed but then smiled.

"Tara na, naghihintay na sila sa atin." Turo ni Althea sa malaking tent at nakita ang mga staffs, bodyguards, and the other couple talking to the people there.

Lumabas na silang lahat sa sasakyan at sinuot ni Althea ang kanyang sunglass at hinawakan ang kamay ni Frances and they both look at each other. Lahat sila ay naglakad na papuntang tent at isa isa silang binati ni Bea at Jade.

"Oh, nandito na pala kayo. Mukhang nagdala kayo ng mga kaibigan niyo huh?" Ngumiti si Bea sa mga kaibigan ni Althea. "Hi, Steph." Bati ni Bea at ngumiti naman si Steph.

"Gusto rin nilang tumulong so why not bring them here right?" Natawa naman si Althea at tumingin kay Jade na nakasuot ng white shirt at black fitted pants na nakikipag usap sa mga taong nandoon, more like her fans.

She is definitely THE Jade Ramos. 

"Mag simula na tayo. Naghihintay na talaga silang dumating ang mga pagkain so let's go." Ngumiti si Bea at tumango silang lahat. Sa isang mahabang lamesa, lahat silang siyam ay nakatayo ng magkakatabi at nakapila naman ang mga tao na tatanggap ng pagkain kay Althea at sa iba pa. Their position were like this: Bea, Jade, Althea, Frances, Steph, Chelsea, Kim, Lanze, Kier.

Sinimulan nilang mamigay ng mga pagkain ng may ngiti sa kanilang mga mukha. The crowds favorite? Of course it's Bea and Jade because they are the famous one.

"Sobrang fan mo ako!"

"Salamat!"

"Masaya kami na nandito kayo!"

"Ang gaganda niyo!"

"Dalasan niyo ang pag punta dito."

"Ang bait niyo."

Yan ang kadalasang naririnig nila sa mga tao and they just smiled and give the foods to them. Makalipas ang isang oras at kalahati ng matapos sila sa pamimigay ng mga pagkain. They were tired but nevertheless, masaya sila sa kinalabasan ng kanilang event. Lahat sila ay nakaupo at nagpapahinga when suddenly the staffs gave them a chocolate milk for them to drink and a water.

"Please inumin niyo to. Baka bumaba ang sugar niyo sa init ng panahon at pagod na rin kayo." Sabi ng isa sa mga staffs at tinanggap nila ang inumin.

Saglit namang tinignan ni Jade si Althea dahil alam nito na paborito nito ang chocolate milk drink at makikipag patayan to makakuha lang ng isa. Years ago, bumibili si Jade ng dalawang chocolate milks para sa kanilang dalawa pero madalas kay Althea lang napupunta ang lahat dahil hindi siya nito tinitigilan na hingin yung sa kanya. It was a happy memory. Nakita niyang masayang tumango si Althea at nakangiting binuksan ang inumin gamit ang straw pero ng iinumin na sana nito, Althea's eyes looking somewhere else making her to look at her drink and to that spot.

Same Old Love (Completed)Where stories live. Discover now