“Oh tapos? Anong nangyare?”
“Ha?” naguguluhang napatingin ako kay Demi na kasalukuyang titig na titig sakin.
Si Demi ang editor niya sa publication na pinapasukan niya bilang writer for three years.
Three years ago mula ng makapasok siya sa publication company na iyon. She started as a technical clerk hanggang sa magkaroon ng internal hiring sa company nila at naghahanap ng writer sa bagong magazine na ilalabas nila. At first she hesitated pero dahil sa may gusto siyang patunayan eh sinubukan niyang mag-apply. Luckily nakapasa naman siya at doon niya nga nakilala si Demi. She’s too young to be an editor pero sa galing at talentong taglay nito nobody questions her position. At ito din ang nag-encourage sa kanya na fulfill her dream to be a writer. Mahirap sa umpisa dahil madaming naiinggit sa kanya. Binalak na nga niyang magresign pero dahil sa pangungumbinsi sa kanya ni Demi eh hindi niya itinuloy. Magmula noon ay naging kaibigan na niya ito.
“Sabi ko anong nangyare after nung practice game ng Riverdale at Crenshaw Heights”
“Ahh yun ba?” I looked at the dress na nakadisplay sa mall kung saan naisipan naming maglibot-libot muna. “Wala na”
Marahang hinampas ako ni Demi sa balikat.
“Anong wala na ka dyan? Magkwento ka!” sa totoo lang may pagkaweird din itong si Demi. Parang hindi mo maarok ang totoong pagkatao. (naks! Lalim nun ah)
“Ikaw bayolente ka masyado”
“Mabait pa ako sa lagay na ito. Kaya magkwento ka na dyan. Wag mo akong bitinin”
“Eh kasi naman eh…ayoko ng maalala yun” because those memories after the practice game was the most happiest yet traumatic experience for her.
“Gaga ka pala eh! Kung ayaw mong maalala eh di sana hindi mo inumpisahang ikwento sakin…You’re a writer…alam mong di dapat nabibitin ang readers.” Pangungulit pa nito. “Bibilhin mo ba yang dress na yan?” turo nito sa hawk kong dress.
“Hindi. Bakit?”
“Hindi naman pala eh. Tara na..nagugutom na ako. Dun mo nalang sa resto ituloy ang kwento mo” anito at hinila na ako palabas ng boutique na iyon.
“Lilibre mo ako?” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Mukha kang libre! Sige na lilibre kita ituloy mo na iyang kwento mo. baka sakaling mapagkakitaan pa natin yan.”
“Luka-luka” ganyan kami magturingang dalawa outside the office.
= = = = =
Sa loob ng resto ay hindi ako tinantanan ng pangungulit ni Demi para ituloy ang kwento ko sa kanya na nangyari 8 years ago…. Tama..it’s been 8 years mula ng mangyari ang pangyayaring iyon sa buhay ko… 8 years na ang nakalipas but it seems like yesterday.
Marami ng nagbago sa paglipas ng mahabang panahon. She looked at her reflection in the mirror at the side of the restaurant. She’s not the same old Jiyeon from highschool. What she sees in the mirror is a very sophisticated woman. Full with confidence and courage. Hindi na siya yung nerd girl na madalas ibully ng mga kaklase. Hindi na siya yung mahina na hindi man lang magawang ipagtanggol ang sarili. Hindi na siya yung mahiyain sa harapan ng lalaking gusto niya…at higit sa lahat…hindi na siya ang batang tatanga-tanga pagdating sa pag-ibig.
She looked at Demi who was now tapping her fingers on the table waiting for her to continue with her story. She sighs heavily as she continues with the story happened 8 years ago…..
Back to where we left off…
8 years ago…
Ilang weeks nalang graduation na...natapos na din ang game ng Crenshaw Heights laban sa mahigpit nitong kalaban na Riverdale.... natalo ang school namin. Aminin ko magaling talaga ang kalaban. Hindi na ako magtataka kung manalo man sila.
“Jiyeon..aatend ka ba ng senior night?” tanong sakin ni Queen habang nagliligpit kami ng mga ginamit na materyales ng Arts Club.
No choice naman kami..kailangan daw kasi na may salihan kaming club kahit isa nung first year kami..and since hindi naman ako sporty na tao eh sa Arts Club ako napunta. Mahilig kasi akong magdrawing at magsulat.
“Sus! Asa naman diba? Kelan ba ako pumunta sa mga ganyan?” oo tama..never pa akong umatend ng kahit anong dance sa school. Freshmen night man yan, acquaittance party o kahit JS Prom pa wala akong inatenand. Tapos kung kelan gagraduate na kami saka ako tatanungin nitong si Queen kung pupunta ako ng Senior night? Adik lang?
“Aba teh! Gagraduate nalang tayo hindi mo man lang ba gustong maranasan ang dapat nararanasan ng estudyante na tulad natin? Last chance na ito oh!!! Last chance mo na..”
Ang senior night kasi ang bale pinaka graduation ball namin. At ito na ang huling dance sa school na mararanasan ko. Dapat ko nga bang palampasin nalang ito? Ayoko namang magmukhang kawawa kung aatend ako. Alam ko naman kasing wala ding magtatangkang isayaw ako.
“saka ang balita ko...parang masquerade ball ang balak gawin ng student council...it’s your chance bestfriend!!! Akitin mo na si Rodjun!!!” binato ko tuloy si Queen ng hawak kong cartolina na agad naman nitong nailagan...sana pala yung white board nalang ang ibinato ko..hehe..kung pwede lang eh.
“ang ingay mo!!!” sita ko sa kanya “Mamaya may makarinig pa sayo”
“keber!!!” anito at ipiagpatuloy ang pagliligpit. “Pero alam mo bestfriend...pumunta ka na tapos magpaganda ka tutal nakamaskara naman eh”
“anong silbi nang pagpapaganda ko kung nakamaskara din lang naman ako? Saka di ako maganda” sinimulan kong damputin yung mga pentel pen at lapis na nakakalat sa sahig. Grabe naman yung mga gumamit nitong room na ito. Di man lang ba marunong magligpit?
This time si Queen naman ang nagbato sakin ng cartolina. Dahil di ako nakatingin sa kanya ay tinamaan ako. “Aray naman”
“Ikaw nga Jiyeon Salazar tigil tigilan ako sa kaartehan mo ah!!! Maganda ka okay? Maganda ka? Ang hindi maniwala panget sila!” nakakatuwa naman talaga itong bestfriend ko..napakasupportive sakin.
“thank you besftriend!!!” sabi ko at niyakap siya. “Pero sa tingin mo ba dapat akong pumunta?”
“oo naman...last na ito Jiyeon...akong bahala sayo..aayusan kita”
“Ganun ba?ahhmmmm...si.....” napatingin siya sakin “...si Rodjun kaya pupunta?”
“Siguro...lagi namang pumupunta iyon eh.” Tinitigan ako sa mata ni Queen...yung seryosong tingin.. “Sa dance kailangan nating masakatuparan ang akitin-si-Rodjun-STRATEGY “habang hawak ako sa braso. Adik lang si Queen???
Pero infairness gusto ko yung idea niya..hehe..
“Pero paano naman natin gagawin yun? Eh sa tuwing lalapit si Rodjun sakin nahihiya ako.”
“Eh kaya ka nga magmamasakara diba? Para di alam ni Rodjun na ikaw yun. Kaya lumapit ka man sa kanya o lumapit man saya sayo eh walang problema.”
Napaisip ako at sumalampak ng upo sa sahig. Lotus position.
“sabagay may point ka”
“Kaya nga akong bahala sayo eh. Basta umatend ka. Ako ang magiging fairy godbestfriend mo sa graduation ball” sabi ni Queen at nakakalokong ngumiti.
Napangiti nalang din ako. Excited na akong pumunta.
***
A/N : Sensya na maikli lang ang upadate..next time nalang ulit :)
BINABASA MO ANG
Young Millionaire's Club : RODJUN
General FictionThey're handsome, brainy, talented, hot and sexy and most of all they are rich. Be ready to be in-love and mesmerized by these "not your ordinary guy."