Simula

2 0 0
                                    

Hawak ang baston at ang bag na nakasukbit sa balikat ko ay binabagtas ko ang daan, di ko alam kung saan ako pupunta. Pinalayas ako ng aking Tiya Soledad sapagkat wala na daw akong silbi, kung tutuusin ay ayos lang naman sa akin ang masabihan ng masasakit na salita pero yung palayasin nila ako sa bahay ng tatay ko na pinaghirapan niya ay di ako makakapayag.

Kung nakakakita lang sana ako ay di niya ako palalayasin. Ngayon di ko na alam kung saan ako pupulutin, wala akong kilalang kamag anak na malalapitan tanging si Tiya Soledad lang. At di ko alam kung nasaan lupalop ako ng maynila. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga busina ng mga sasakyan kaya sigurado akong nasa gilid ako ng kalsada.

Nagugutom na rin ako, binabalewala ko lang ang mga naaamoy kong pagkain dahil di ako binigyan ni Tiya Soledad ng pera. Wala din na natatanggap sakin sa trabaho dahil sa isang akong bulag.

Pinanganak akong bulag sabi ng tiya, tungkol naman sa mga magulang ko namatay sila sa Bus accident, noong araw na yon ay iniwan nila ako kay tiya na kapatid ni papa dahil sila ay maghahanap ng trabaho, limang buwan palang daw ako nung araw na yon. Trabaho dati ng aking ama ay isang body guard kaya nakapag ipon siya para sa bahay.

Iniwan ni papa ang trabaho niya dahil sakin kung kaya nagkagandautang utang ang tatay ko dahil sakitin daw ako, iyon ang kwento sa akin ni tiya kaya napilitan sila lumuwas kahit labag sa loob ni tiya.

Nung nalaman ni tiya na may konting naipon ang ama ko ay kinuha niya ito at dito na nanirahan sa maynila. Di na rin ako nakapag aral dahil dagdag lang daw ito sa gastos. Sa totoo lang mabait ang tiya ko pero sinisisi niya ako sa pagkamatay ni papa.

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako siguro dahil wala man lang ako mapupuntahan dumagdag pa ang pagiging bulag ko, ano nalang mangyayari sakin.

Ilang oras na ako naglalakad dito, maraming tao ang sa tingin ko ay nasa palengke, dahil may naririnig ako ng mga naglalako. Aalis na sana ako dito nang may tumulak sakin na dahilan para madapa ako. Pinipigilan kong umiyak dahil buong buhay ko ay lagi kong kasama si tiya soledad kaya ngayon mag isa nalang ako dapat kayanin ko ito. Kinapa ko muna kung nasaan ang aking baston at nang mahawakan ko ay saka ako nagsimulang maglakad.

Nakaka ilang hakbang pa lang ako nang may narinig akong isang motor na papapapit sakin. Natatakot ako dahil alam kong masasagasaan ako, dito na ba matatapos ang buhay ko. Di man lang ako nakapag sorry kay Tiya Soledad dahil sa pagiging malas ko.

Bago pa ako masagasaan ay may humila sakin dahilan para kami ay napahiga. Kasabay nang pagbagsak ay siyang pagdampi ng labi niya sa labi ko.






End of Prologue
February 25,2019
Time
9:40 pm









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon