Nasa Simbahan ako ngaun nanunod ng pelikula may taping e,char Lang walang taping echos Lang ahaha,
may kinakasal Kasi e,di ko Alam bakit laging nagkakataon na may kinakasal pag naiisapan kong magsimba e,bakit nga Kaya.. nakalimutan ko pala magpakilala ako nga pala si Endless Summer Village,ES nalang Kung nahahabaan sila sa pangalan ko..nagtratrabaho ako sa isang fast food chain bilang isang kahera nagiisa nalang ako sa mundo e,naulilang lubos,namatay ang mga magulang ko nung limang taong gulang palang ako naiwan ako sa Lola ko at iniwan nadin niya ko namatay siya sa sakit..sampung taon nadin pala ako namumuhay magisa..
mahirap mamuhay magisa,nakakamiss din pag may nagaalala sayo..boring ang buhay ko e,bigyan niyo naman ng kulay Lord..piping pagdadsal ko..Di ko namalayan tapos na pala ung kasal ang haba Kasi ng intro ko e..
"Iha..."
Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko..
May edad na siya siguro kasing edad niya si lola nung nabubuhay pa.."Ahmm,bakit po?
Ngumiti siya ng bahagya sakin..
"Pewde ba ko makahingi ng kahit barya lang.
Ano ba naman Yan lola,Wala din ako ngaun e.sa loob loob ko e,napaisip ako bigla pano Kung nabubuhay Lola ko tapos Wala din kaming pera baka gawin din ito ng lola ko..nasan na Kaya mga Apo ni Lola at hinahayaan nalang lumakad magisa!
Dumukot ako ng singwenta pesos
"La,ito po.. sabay abot ko sa kamay niya
"Maraming salamat iha..napakaganda ng iyong kalooban...
La!Kung Alam mo Lang po talaga 😂
"Wala po yan Lola Basta po sa susunod magpasama po Kayo sa apo o anak niyo..
Wala akong tugon nakuha Kay Lola nauna siyang lumabas ng simbahan..
Siguro bawat tao may natatagong kabaitan padin sa katawan nakatago nga lang ahaha...
Bruha,Kung ano ano iniisip mo kaylangan mo ng umuwi at maglalaba kapa ng uniform mo para bukas...
Napapailing nalang ako lumabas sa simbahan..
BINABASA MO ANG
ONE WISH (OW)
Short StoryKung bibigyan ka ng isang hiling ano hihilingin mo? hihilingin mo ba na magarang sasakyan?magarang bahay?o mahabang buhay..kaso Wala namang ganon immortal lang peg ganon!?hmm.. (A/N:non pro writer mga Bes)pasensya na yan Lang nakayanan e😊