Chapter 1

107 3 2
                                    


Ang hirap ng buhay. Di ka pwedeng humilata lang kasi wala kang makakain. Wala ding makakain kapatid mo. At pag wala kayong makain syempre ano bang kahahantungan nyo? Syempre magugutom. To naman advance mag-isip. Kala mo patay na no? Agad-agad?



Ako si Kaori de la Cruz. Kaori kasi may dugo kaming Japanese, yung mama ko ¾ Japanese, yung papa ko naman sabi may dugong hapon din daw sya. Ewan ko sa kanya mema lang eh. Mukhang pinoy na pinoy naman apelyido pa lang eh, ang laki nga ng mata eh. Sa laki ng mata ayun, lumuwa nang makakita ng magandang legs. Sama agad sya may-ari ng legs na yun eh. Wag na sana nya makita ang daan pabalik samin. Si mama, pumanaw last year. Kaka 18 ko lang, Kakatapos mag SHS nang bigla syang natumba at nahimatay. Di na sya nagising pa. Brain aneurysm daw sabi ng doktor. Sobrang sakit. Kasi ba't nya kami iiwan diba? Ba't ang bilis? Ang babata pa naming eh. Pano kami mabubuhay? Bakit, bakit, bakit. Bakit nya iniwan si Haru sakin eh ang bata bata ko pa? Sinisi ko sya. Hindi maiwasan eh. Hindi naman nagtagal yun kasi maling sisihin ko sya gayong hindi rin naman nya gusto at alam na mawawala sya. Hindi rin deserve ni Haru yun. Kaya heto ako ngayon, naghahanda para pumasok sa trabaho.



"Haru! Bilisan mo na dyan malelate ka na!" Tawag ko sa kapatid ko na di pa lumalabas ng kwarto nya. Kakatapos lang nya maligo.

"Eto na!" Sagot naman nito. Lumabas ito bitbit na ang kanyang bag at tuwalya na isinampay naman nito.

"Ay nako. Di na naman pantay pagkabutones mo sa uniform mo." Inayos ko ito pagkatapos kong ihanda ang almusal namin. 8 years old na si Haru, Grade 3.

"Ikaw kasi. Pinagmamadali mo kasi ako ayan tuloy." Rason naman nito.

"Susss. Ang galing gumawa ng excuse buti sana kung di mo to araw-araw nagagawa."

"Hmp. Panget ka." Pang-iinis nito.

"Eh magkapatid tayo so panget ka din?" Sagot ko naman habang umuupo matapos kong ayusin uniform nya.

"Di naman tayo magkamukha eh. Magkapatid lang hindi magkamukha."

"Di talaga tayo magkamukha kasi mas panget ka." Sagot ko.

"Ewan ko sayo di ka magkakaboypren" Sambit nito.

"Huyy! Boyfriend ka jan. Wala akong plano no. Sino na lang susundo sayo sa school? Eh pag may boyfriend ako syempre sya kadate ko pagkatapos ng shift ko, so maghihintay ka sa labas ng school mo hanggang matapos kami ganun?" Sagot ko naman.

"Ang haba naman ng sagot mo." Sabi nito. Natawa na lang ako at nagpatuloy nang kumain.




"Oh eto baon mo." Inabot ko sa kanya ang bente pesos at lunch box nya. Asa labas na kami ng school nya.

"Kuripot ka talaga." Sagot naman nito at kinuha pagkakuha ng bente at lunch box nya.

"Kuripot ka dyan. 'Kala mo naman may ipangkukuripot tayo. Wala lang talaga tayong pera huy. Ako nga nung highschool, yan na baon ko eh ikaw elementary pa lang."

"Oo na lang. Bye na. Mag-ingat ka baka di ka na makabalik." Usal nito habang naglalakad papuntang school nya.

"Hahahaha! Labyu too!" Natatawa kong sagot dito. Ganyan lang sya magsalita pero mabait at mapagmahal na bata si Haru.


Pagkatapos kong maihatid si Haru sa school nya eh dali dali na 'kong sumakay para makarating sa fastfood chain na pinagta-trabahuhan ko. Kakarampot ang kita pero san naman ako makakahanap ng iba na sa-swak sa oras ko diba? Kahit naman SHS graduate ako mas pipiliin padin ng iba ang mga college graduate. Kelangan ko pa sunduin si Haru. Tsaka nagpapart-time din ang bestfriend ko ditto kahit hindi kami magkaparehas ng oras, nag-aabot naman kami.


"Oy! Good morning Kaori! Oh kay ganda ng araw ngayong ika'y nandito na!" Sabi ni Gabby, katrabaho ko. Hindi kami magkapareha ng oras at araw lagi pero naga-abot kami kaya naging magkaibigan na din. Araw-araw kasi akong andito kaya halos lahat nameet ko na. Except sa mga pang gabi ang shift.

"Good morning din Gabby! Ikaw pa lang?" Tanong ko sa kanya.

"Andito na din yung iba. Kadadating lang din." Sagot naman nito.

"Ay last pala 'ko."

"Wag lka mag-alala, ikaw naman first sa puso ko. Yown!" Banat nito.

"Lul. Oo na lang hahahaha" Natatawa kong sagot dito.

"Good morning Kaori!" Bati ng mga katrabaho ko.

"Uy! Good morning Achi! Good morning Ali! Good morning Ate Jelay!" Sagot ko naman sa kanila. "Wala pa si Sir?" Tanong ko matapos magbihis.

"Wala pa beh. Syempre nagpapapogi pa yun. Alam mo na, para naman daw may gwapo tayong kasama dito." Sagot ni Ate Jelay.

"Wow! Ang ganda nya oh!" Sabi ni  Achi habang nagma-mop ng floor.

"Hmp. Ah basta ang gwapo gwapo talaga ni Sir. Buti na lang talaga dito sya na-assi-"

"Ehem" Naputol ang pagfa-fan girl ni Ate Jelay nang may tumikhim.

"Ah... eh... Good morning Sir haha haha haha ha" Namumulang sambit ni ate.

"Good morning Sir Kurt!!!" Sabay naming sabi ng mga kasama ko habang natatawa.

"Ano yun Ate Jelay?" Pang-aasar ni Ali

"Sino yung pogi Ate Jelay?" Segunda naman ni Achi.

Nagtawanan naman kaming lahat nung mas namula pa si Ate Jelay, maliban na lang kay Sir Kurt.

"Get back to work." Seryosong utos ni Sir. Natigil ang aming pagtawa.

"Yes Sir." Sagot naman naming. Lumakad na ito para pumunta sa office nya.

"Ba't ba kasi hindi kayo umimik nung na sya?! Kakahiya tuloy!!!" Reklamo ni Ate Jelay habang tinatakpan ang pula pa rin nyang mukha.

"Hahahaha gusto lang naming makita kang nahihiya. Nasobrahan ka na kasi sa kakapalan ng mukha." Sagot ni Achilles.

"Grabe kayo!" Sabi naman ni ate Jelay.

Nagtawanan naman kami at bumalik na sa pagta-trabaho. Mahirap na baka bugahan kami ng apoy ni draKURTrys este Sir Kurt pala.

"Ang sungit sungit talaga ni Sir. Di man lang nag thank you nung sinabihan ko syang gwapo eh." Nakangusong sabi ni Ate Jelay.

"Ehem." May tumikhim na naman. Patay na naman si Ate Jelay. Natawa na lang kami.

"Ah... S-s-sirrr hello po" Nahihiyang sagot ni ate.

"Was I supposed to say 'thank you' Jelay?" Seryosong tanong ni Sir Kurt.

"K-kayo nmaan Sir, di naman kayo mabiro ohh ahehehe... hehe... hehe..hehe.." Namumula na naman si Ate Jelay. Nako. Mamaya pwede na pang-substitute mukha nya sa kamatis para sa burger naming. Areng. Tiningnan lang sya nito at bumalik na sa office nya.

"Ate Jelay buhay ka pa?" Natatawang tanong ni Gabby.

"Wag nyo na kong kausapin utang na loob!" Sagot nito sabay talikod. Napatawa na lang kami. Bago pa lang kasi si Sir Kurt dito bilang branch manager. Kaka-assign nya lang. Syempre cute si Sir kaya eto naming si Ate Jelay hindi mapigilan ang magfan girl. Si Ate Jelay pinakamatanda samin. 20 na sya at kagaya ko, hindi rin sya nag-aaral. Kaming dalawa lang ang nalalagi dito at si syempre si Sir na 22 na.


Mabilis lumipas ang oras, di ko namalayang alas tres na. 


"Oh alas tres na! Favorite time nan i Kaori! Makikita na nya bebe nya!" Panunukso ni Gabby

"Ngek! Kabahan ka nga sa pinagsasabi mo, tropa ko lang yon huy."

"Tropa tropa. Dyan nagsisimula yaannn." Sabi naman ni Ate Jelay.

"Eew! Parang kapatid ko na yun huy! Mag bestfriend lang kami nun."

"Sussss best friend best friend. Sige na lang. Oh, andyan na pala si bestfriend eh." Sabi nya sabay turo sa harap.

"Pinag-uusapan nyo na naman ako?"


"Aljon!!!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Got 2 Be UWhere stories live. Discover now