Hi uhm.. wait, ano ba pwede itawag sa'yo? Aha! Bamboo..
Hi Bamboo! Tinawag kitang bamboo kasi isa kang kawayan sa buhay ko.. Steady lang. Yung tipong walang paki sa mga pangyayari kasi nakatanim ka lang sa puso ko.. Bakit nga ba kita sinusulatan? Siguro kasi di ko na kaya yung nararamdaman ko sayo.. Hay ang hirap ng pag-ibig. Masyadong komplikado! Sobrang lulong na ko. Dikit na dikit na yung puso ko sa buong pagkatao mo..
Nagkakilala tayo sa isang party.. Party na kung saan nakita kitang nagsisigarilyo, umiinom ng alak, at minsan pa nga eh nakikipaghalikan pa. Sino ba naman ang mag-aakala na ako, si Bebang ay magkakagusto sa isang katulad mo?
Bakit nga ba ko pumasok sa bar na iyon? Oo, aaminin ko na 'party girl' ako. Pero eksperto ako sa pag-alam ng kilos ng kahit na sino. Tingin pa lang eh mapusok na.
Nerd sa umaga, Party girl sa gabi. Yep that's my life. Madalas akong ma-bully. Kahit na alam kong kaya kong lumaban, pinapabayaan ko na lang sila. Im matured.
Simula nung makita kita sa party na yun, hindi ka na nawala sa isip ko. Ewan ko. I always think of you for no particular reason at all. Hay nako. Ang hirap kaya magtago ng like or love (unsure pa ko syempre.) sa isang tao. Lalo na't nerd ka at iba ang expectations sayo.
Every night na ko tumatambay sa bar na yun para masulyapan ka.
Alam mo ba bamboo na thankful din ako at naging nerd ako. Dahil hindi mag iisip ang ibang tao ng masama..
Ang interesting nga ng story natin no? Hahaha. Tuwing class hours, grabe mo ko ibully. Pero tulad ng sinabi ko, hindi ako lumalaban. In fact ang ironic. Kasi alam ko na nasasaktan ako dahil nabubully mo pero sa loob loob ko kinikilig ako. Ang weird. Naalala ko pa nga nung exams na natin hindi ka nagreview. At sure ako dun dahil the night before examination day, eh nasa bar ka hanggang 2 AM. At yes, andun ako. Pero ibahin mo ko. I still study. Ayun na nga. Galit na yung prof natin kasi di ka makasagot at lagi kang tulog. 1 seat apart lang kaya tayo. :) Ang cute mo nga nun kasi nung sinigawan ka biglang balik yung patulo mo ng laway sa bibig mo at nagulat ka pa. Hahahaha! So yun, nung magising ka na, tinatawag mo ko ng "Weird" ako naman tong lingon ng lingon haha! Nagpapaalam ka kung pwede mangopya, una nagdalawang isip ako. Pero sa huli binigay ko na din kawawa ka eh! Pero psh. Wala man lang thankyou?
After nun, bumalik ka nanaman sa pagiging bully mo. Palagi mo kong kinukuhanan ng pagkain. Dahil halos araw araw mo ko inaagawan, dalawa na lagi ko dala! Kunyari kakagat na ko sa unang sandwich ko pero hinihintay kitang kunin yun. Pag nakuha mo na, ilalabas ko na yung para sakin talaga. Para paraan ko. Hahahaha!
Pagkauwi ko, aral muna ko. Tapos, pagdating ng 10:00 PM, mag aayos na ko. Magkukulot, make up, dress, at pabango. After nun deretso na ko sa bar. At ayun na nga. Nakita na kita. At ang gwapo gwapo mo! Syempre pasimple ako ng sulyap habang nasayaw sa dance floor. At ito ang pinakakinagulat ko! Nilapitan mo ko. Shocks! Kinikilig ako! Tinanong mo ko kung gusto ko umupo. Syempre oo agad ako! Nagkakamustahan tayo. Sabi mo pa nga na madalas mo ko makita dito. Ang sabi ko naman na hobby ko na to. Hihi. Nagkahingian tayo ng number. Tinanong mo kung anong pangalan ko. Naputol ko kasi dapat Bebang sasabihin ko. Buti na lang nakalusot. Ashley ang sinabi ko.
Nice to meet you too, Andrei. Hayy. Im very glad to meet you.
Ilang days na ang nagdaan at sobrang nagkakamabutihan na tayo sa text. Exchanging of sweet words, texting 24/7. Diba 1 seat apart lang tayo? Ang hirap kaya para sakin nun! Kasi syempre ako yung Ashley na nakilala mo sa bar. At ang nakikita mo ay si Bebang. Kaya everytime na magtetext ako, patago. Para hindi mo mahalata. Isang araw niyaya mo ko mag skype. Malamang papayag ako. Pagkauwi ko deretso salamin ako at paganda para di mo ko makilala.
-- Skype Calling. --
Andrei..
Me: Hi there Andrei!
Andrei: Uy hi Ash! (naks i have nickname pa from you)
M: Bakit nga pala gusto mo magskype?
A: Wala lang! I just want to see you. Di na ko masyado dumadayo sa bar. Ikaw ba?
M: Andun ako madalas pero hindi perfect attendance. Hahaha! Oh bat di ka nagbabar?
A: Wala lang. Mas gusto ko na dito sa bahay basta katext kita!
M: Walang siopao dito. Uwi!
A: Huh? Siopao? Ano konek?
M: Mehehe. Slow! Bola-bola!
A: Ay onga. Che! Hahaha. Sge bye na tawag na ko! Gusto lang talaga kita makita!
M: Okay baboosh!
-- Call Ended --
Kinabukasan, ako nanaman si Bebang. At nagbago ka. Parati mo kong tinitignan. Hindi ko alam kung bakit pero kinikilig ako. Malaman yung bawat pag sulyap mo. Hayyyy! ♥
Nasa kalagitnaan tayo ng pag lelesson at nakikita ko na tinitignan mo pa rin ako. At maya maya dumukot ka na ng cellphone mo. At wala pang 10 segundo tumunog ang phone ko. Pagkatingin ko tumatawag ka. At dun na nagsimulang gumuho ang mundo ko. Nag excuse ako at lumabas muna ng umiiyak.. Sinusundan mo na pala ko.. Tinanong mo kung bakit ako umiiyak. Hinawakan mko sa baba at sinabing 'Sa susunod, tanggalin mo yang kwintas mo na may nakasulat na BEBANG kapag magsskype tayo ha?' At saka ko lang narealize na nakalimutan ko pala tangglin! At yun. Sabi mo sakin na matagal mo na kong nagugustuhan at hinalikan ako sa labi.. :"> ♥
♡♥♡♥♡♥ THE END ♥♡♥♡♥♡
Yey! One shot! No book cover muna! And username changed :)
VOTE COMMENT SPREAD LIKE. ☆
/dreamfinite - 090814