PUSO

3 0 0
                                    

          🎶kapag tumibok ang puso🎶
    🎶lagot kana siguradong huli ka🎶


Umaga na at sinasabayan ko ang lyrics na yan wala kase akong magawa

Bakasyon na din non mga MAY na kaya wala masyadong ginagawa kaya pachill-chill lang ako sa bahay namin si Lola lang kase kasama ko non tapos masipag pa si Lola kaya feeling donya ako

Nung mga panahon na yon tinawag ako ni Lola dahil may pupuntahan daw kami malapit nyang kaibigan sa bahay daw nun kami pupunta dahil gusto daw syang makita

"Puso maghanda kana at maya-maya lang ay aalis na tayo" aniya

Yan ang natatandaan kong sinabi nya sa panahon na yon pagkatapos non naghanda na talaga ako nagsuot lang ako ng isang puting bestida dahil wala akong mahanap na damit

Nakarating kami sa bahay ng kaibigan ni Lola isa itong lumang bahay agad naman kaming sinalubong ng kaibigan nya pero nagpaiwan ako dahil gusto kong damhin ang bawat sandali sa bahay na yon dahil mayroong kakaibang nararamdaman,
pakiramdam na ngayon ko lang nadama

Sa mga oras na yun wala akong ibang inalala kundi yon lamang kung hindi pako kausapin ng isang matandang lalaki na pumasok na daw ako ay hindi pako tutungo doon

Bago yun may sinabi pa sya Sakin

"Hija ano nga palang pangalan mo?"

" Puso Alejandres po, Bakit po?"

" Alam mo ba kung anong pinagmulan ng pangalan mo?"

"Hindi po"

"Pumasok ka sa bahay na iyan at malalaman mo"

Nakangiting sabi nya ngunit ang pinapakita ng kanyang mga mata ay lungkot na ayaw nya ng maulit pa

Gaya ng sabi ng matanda ay pumasok ako sa bahay na tinutukoy nya ang bahay ng kaibigan ni Lola

Pagtapak palang sa may pintuan ay isang lumang bahay na ang aking nakita isang bahay na hindi na tinitirhan ng kahit sino mang tao

Sinuyod ko ang lumang bahay at sa may pinaka gitna ng bahay may isang lawaran o obra akong nakita

Isang obra ng makisig, matipuno, at gwapong lalaki ang nakapinta doon

Bigla nalang sumikip ang aking dibdib may kung anong kirot akong nadama na parang ngayon lang gustong bumalik ng puso ko sa kanya

Sa pagpatak ng aking mga luha naalala ko ang lahat ang nakaraan

Ang nakaraan ay dinala ako sa dalampasigan may isang lalaki at babae ang nag uusap sa kagustuhan kong marinig ang pinag uusapan ako'y lumapit sapat na distansya para marinig sila

" Felia gusto kong malaman mo na handa akong gawin ang lahat para sayo mahal"

"Hearthuro! hindi nako magtatagal sa mundong ito wala nakong magagawa kundi tanggapin na mawawala na ako pero diba ang sabi mo kaya mong gawin ang lahat para sa akin sige nga't ibigay mo sakin ang puso mo! Tignan natin kung mahal mo talaga ako!"

"Felia yan ba talaga ang nais mo?"

"Oo Hearthuro"

Ako'y nasasaktan para sa kanilang dalawa dahil nakakakita ako ngayon ng isang break up scene

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon