Naalala mo pa ba yung mga pangako mo?

85 1 0
                                    

High School palang tayo crush na crush na kita....

Naging mag kaibigan tayo noon dahil sa pinakilala ka ng kaibigan mo na kaibigan ko rin..

Laking tuwa ko nun... Kasi mas lalo tayung naging close sa isa't isa ...

Pero nalaman kong may girlfriend ka na pala </3 

Masakit yun para saken .... kasi umasa ako na magugustuhan mo ako pero mukhang

malabo pala yun.... 

Pero isang gabe ..... pumunta ka sa bahay at basang basa dahil sa sobrang lakas 

ng ulan noon...

Kinwento mo na , may ibang boyfriend ang girlfriend mo.... ramdam ko yung sakit na dinanas

mo noon..

Yung gabing yun... Ramdam kong sobra kang nasaktan kasi mahal na mahal mo yung babaeng yun...

Dinamayan kita nung gabing kailangan mo ng makakausap... 

Alam kong masakit para sayo yun...

Doon ko nakita na sobra ka pa lang magmahal....

Kaya isa rin yun sa nagustuhan kong sayo...

isa rin sa nagustuhan ko ang magandang tinig ng boses mo....

Nagkaraan ng ilang buwan.....

Pumunta ka ulit sa bahay at may dalang malaking papel na may nakasulat na....

" Will you be my Girlfriend " 

Di ko akalain yun...... Sobrang saya ang naramdaman ko...

Sobra.... At syempre pumyag ako....

Nag Tagal tayo.... mga ilang buwan nalang magiisang taon na tayo....

Sobrang s weet natin sa isa't isa noon...... Sobrang close na parang kulang nalang ay magpakasal tayo ....... 

Nangako ka pa nga... na hanggang sa huli tayo... na hanggang sa huli di tayo bibitiw sa isa't isa..

pero ng unti unti kang sumikat ng dahil sa ganda ng boses at galing mong sumayaw noon....

Habang tumatagal parang ramdam kong unti utni ka nang lumalayo saken...

sa sobrang galing mo sa pagsayaw at pagkanta naiimbitihan ka sa mga 

event sa mall at iba pa....

Kahit nawalan ka ng oras saken , di ko dinamdam yun ng dahil sa sobrang mahal kita.....

Araw araw na tayung nagkakatampuhan...

unti unti ka nang nawawalan ng oras sakin ng dahil sa mga mall show at pagiging guest mo

sa mga TV. Show , Commercial at events .....

Binalewala ko yun....

isang Araw .........

Nagtext ka sakin at sinabe mong....

"Magbreak na tayo , ayoko na .... salamat at pinasaya mo ako " 

Biglang  tumulo ang luha ko ng mabasa ko yun...

Nagmukmuk ako sa kwarto ko, ilang araw di pumasok at ilang araw di lumabas ng bahay...

Halos pabayaan ko na ang sarili ko noon....

gabe gabe akong umiiyak .....

ng dahil sa sobrang mahal kita...

Nalaman kong may Girlfriend ka na pala nong time na nakipagbreak ka saken..

masakit man, pero kailangan kong tanggapin na hanggang doon nalang ang love story naten...

Naalala mo pa ba yung mga pangako mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon