Untold #1

2 1 0
                                    

Unang tibok

Who is your crush?

Malaki ang aking ngiti ng isinulat ko ang pangalan ng matagal ko ng hinahangaan.

"My ultimate crush since grade 1 is....James Neil" saad ko habang sinusulat ito sa aking notebook.

Itong kwadernong ito ang aking sandigan. Dito ko sinusulat lahat ng aking saloobin. Mapa hate list man o katulad nito, ang taong aking hinahangaan.

"Oh andyan na si Ma'am"

Sigaw ng aking kaklase at agad akong napatuwid ng upo. Dumagundong ang aking puso ng dumaan sa harap ko si James. Tumikhim lang siya at umupo na sa kanyang silya. Isang sulyap at kontento na ako.

Nakakatawa. Simula grade 1 humahanga na ako sa kanya. Matalino at gwapo si James. Ngunit lagi kaming nagkakaribal sa klase. Minsan ako ang una at siya iyong pangalawa. Nasisiyahan rin ako sa parteng iyon dahil ibig sabihin lagi kaming magkasama pag may kompetisyon.

"Uy Sadako, hindi ka na naman nagrecess?" Saad ng kaklase kong si Kath.

Umiling lamang ako sa kanya at di na sinagot pa. Simula kinder, grade 1 at hanggang ngayon na grade 6 na kami, lagi akong most behave. Tahimik at hindi masyadong palakibo. Hindi lumalabas ng room tuwing recess. Naghihintay lang na matapos ito. Minsan dinadalhan ako ng aking pinsan ng saging na benta ng aking lola. Ewan ko ba pero takot akong makihalubilo. Ayokong masyadong nagsasalita at ilag masyado sa tao.

Mahaba ang aking buhok na hanggang beywang. Natatabunan nito ang aking mukha kapag ito'y aking nilulugay. Ginagamit ko din ito pantakip para hindi makopya ng kaklase ko ang aking mga sagot. Haha Selfish as it may seem but I want them to work on their own.

Hindi na ako nagtataka kung ang tawag nila sa akin ay Sunako Nakahara o di kaya ay si Sadako dahil sa haba ng aking buhok, maputlang balat at tahimik na personalidad.

"Okay please get 1 whole sheet of paper and answer exercises 1 and 2 on page 53." Tawag ni Ma'am Corpuz sa aming atensyon.

My classmates groaned when they saw it was a math exercise. I sighed. I hate math. I just don't really like it.

Napasulyap ako sa taong pinakamagaling sa math sa amin. Ahihihi babanggitin ko lang ang pangalan niya at tila kinikilig na ako. Kalokang bata talaga ako. At tsaka puppy crush lang naman. Pag-aaral pa rin ang importante sa akin.

Natapos ang klase at ipinasa namin ang aming mga papel. Naghanda na ko para umuwi.

Tawanan at kwentuhan ang maririnig mo habang uwian. Hindi alintana ang init basta't kasama ang iyong mga kaibigan.

Kaibigan

Kaibigang wala ako.

Malapit lang naman ang aming bahay kaya konting lakad lang at makakauwi na ako. I feel safe at home. When others feel like there house means walang sawang sermon ng nanay, walang sawang utos nito at pang-aasar ng mga kapatid.

For me, our house is my comfort zone where I can feel safe and secured. Iyong tipong pwedeng maging ako lang  at hindi iyong Sadako o kung anu-ano pa.

"Oh andyan ka na pala, Cham. Kumain ka na at may ulam dyan." Ani ni Mama habang katabi ang umiiyak kong ate.

"Ma, mahal ko siya." Iyak ng ate ko na may namumugtong mata.

"Aba'y ganyan talaga ang pag-ibig may kasamang sakit. At tsaka bata ka pa, madami ka pang makikitang lalaki at pag-aaral ang atupagin mo at hindi ang pagboboyfriend na iyan" sermon ni Mama "Oh kumain na kayo at maglalaba pa ako."

I look at my sister and saw the hurt on her eyes. Is that really what love is?

Aba'y kung ganyan rin lamang habang bata pa ako ay ayoko ng maranasan iyan. Ganoon pala iyon. Mamumugto ang mata mo kakaiyak at mapapabayaan mo ang pag-aaral mo kaya wag na lang.

The Untold Story of The Never Been LoveWhere stories live. Discover now