H.L... 8-2 [01]

33 6 10
                                    

Author Say: Ibang version na po ito, kasi ano...medyo magulo ang utak ko nung time na sinulat ko yung una, pinublish ko tas inanpublish ko din...kasi nga po magulo pa ang utak ko nun. Pero ngayon medyo matino na po ako hahahaha... 

***

Malapit ng matapos ang school year, malapit na ding magwakas yung masasayang araw ko kasama ang buong 8-2....pero sana , sana sila pa rin ang classmate ko next school years....kasi mahal ko na sila. 

Simula nung umpisa, hanggang ngayon wala pa rin namang nagsasabunutan at nagsasapakan sa klase namin pero merong nagbago, nandyan na yung iba nagka-lovelife na, nandyan din yung kala mo sila na pero di naman pala, nandyan yung nagkaka-aminan na....pero syempre meron ding times na may nag-aaway but verbally lang naman at syempre napapasok sa gulo...yung tipong nananihimik ka lang tas pagpasok mo bukas malalaman mo na lang na may ginawa section niyo? Pero syempre dahil ikaw tong si outdated tatanong ka ngayon..."nu problema?, nu sinasabi nila?" pero kahit na ganun, imbis na magalit kami, imbis na mas maging pasaway kami...mas naging disiplinado, mas naiilulugar yung mga wala sa lugar... mas naging responsable kami hindi lang sa sinasabi namin kundi maging na rin sa ginagawa namin. 

Ngayong grade 8 ako parang naranasan ko ang lahat...

Parang lang naman....kaya wag kayong ano...basta yun yun. 

Naranasan kong mapalabas ng room, umiyak ng dahil sa grade, makapag-cutting ng hindi sadya, hindi pumasok sa first subject kahit nasa school na ako. Pumasok ng taas noo kahit  wala akong ass sa susunod na subject. 

Hindi ko makalimutan yung pinalabas buong group 3 sa filipino, busit na yun umiyak talaga ako dun.... wala naman kasi kaming ginagawa, saka naka-ready naman kami pero putsa pinalabas pa rin kami....thankful ako that time kasi yung mga ka-group ko nandun din...and pinapatahan ako lalo na kay Angel hahahha thanks that time.. 

Yung umiyak ako dahil sa grade ko...pero si teacher ayaw ako bigyan ng mababang garde kasi daw kasama ako sa top. Grabe talaga iyak ko nun...Kaasar 

Flashback 

Busy ako sa pagche-check ng records ng mga members ko when...

"Lobo, come here" tawag sakin ni Mrs. Guevarra, English teacher 

"Yes po ma'am" naka-ngiting sabi ko kay Ma'am 

Alam niyo yun? Yung ngiting-ngiti ka sa harap ng teacher mo then in just snapped lulukot na mukha mo at hindi na maipinta ng kahit sinong pintor? 

"May sinalihan ka bang mga contest?" tanong sakin ni Ma'am 

Una nagtaka ako sa paraan ng pagsasalita ni Ma'am kasi ang lungkot ng boses niya, kung isa kang Otaku isipin mo wala ng next season yung favorite mong anime, at kung wattpader ka naman isipin mo na-delete ng di sadya ni Author yung binabasa mo and take note malapit ka ng matapos sa story...at kung hindi ka naman Otaku or Wattpader...bahala ka na sa buhay mo isipin mo na lang hindi ka crush ng crush mo. 

"wala po ehh" sagot ko naman. 

"Hindi ka sumali sa Reader's theater? " tanong naman ni ma'am 

"Nung elimination ng by group ma'am atsaka pinili niyo na lang po kasi yung kasali nun ehh" mahabang paliwanag ko. 

"Eh sa book parade?" kulit din pala ni Ma'am ano? 

"Hindi po ako nakasali kasi po ma'am madami na po sila nun atsaka binawasan nyo din po ehh" paliwanag ko na naman. 

"So, wala kang sinalihan na contest?" 

o_o -me 

"Wala po" may kasama pang iling yan. 

"May kulang ka ding dalawa sakin" sabay pakita ni Ma'am nung record ko, tinakpan niya muna para di ko makita yung record nung iab kaya don't worry yung akin lang nakita ko. Nakita ko nga yung dalawang blangko. 

"Meron po ako ma'am kaso po kasi yung isa nawala ko di ko rin po nai-record yung isa naman po absent ako" paliwanag ko na naman. 

"Sayang, kasi tignan mo... (pakita sakin nung isa pang record 2nd q. naman) Binigyan kita nun ng 94, tignan mo ngayon (pakita uli sakin nung record ko nung 3rd Q.) " 

"84" sambit ko. 

Just like....what the F*ck? Sobrang laki nung agwat. Then ito pa nung mabasa ko yung grade ko putsa biglang nagluha mata ko, pero dahil nasa harap ako ni Ma'am tas nandun na rin yung mga section 1 ako ito nagpipigil ng luha ko. 

"Kasama ka ba sa top?" tanong ni Ma'am 

Nung tinanong niya yun, konti na lang konting-konti na lang....tutulo na talaga...pero ako ito kinagat labi ko para mapigilan. Tumango ako kay ma'am tas sabing "O-opo" outsa nanginginig na boses ko. Daig ko pa na-basted nito ehh 

"Sige pumunta ka mamaya sa dept. " sabi ni Ma'am so ako ito tumango na lang. 

Putsa pagkalabas na pagkalabas ko ng english room, kusang tumulo luha ko...di ko na napigilan ehh... Ending late ako sa math... 

End of FLashback 

So yun yun guys.... wala akong pakialam sa grade ko kung bumaba pero ang laki kasi nung binaba niya ehh wala lang sakin kung 1, 2, or 5 pero 10? dahil lang sa kulang ako ng outputs? and wala akong nasalihan na contest? Kaya ko naman yun kaso i have to maintain my grade dahil kung hindi....ahh basta.. 

So ayan na muna ang tungkol sa akung View sa 8-2 next time mas malalang revelation naman ng one of my secrets na related mga kaklase ko hehehe.... 

***

Author Say: So yun guys...para maiba naman meron akong mga kina-usap na mga classmate ko, nanghingi ng tulong...and gladly may pumansin naman sakin...so tignan sa next chapter ang POV niya. 

Anyway Ako nga pala si LA, you can call me Spade, Al or what...just not my name okay? Kung Bakit? Kasi yun po ang trip ko, wwalang basagan. 

Don't forget to comment your reactions....
Sa mga classmate ko na makakabasa po nito ehh...comment niyo lang yung gusto niya...and pwede rin ng request about something ahahhaha....

Don't forget to vote guys... 

HighSchool LIFE [ Proud to be 8-2]Where stories live. Discover now