Chapter 1

3 0 0
                                    

Chapter 1:

Zeirie's Pov.

Pauwe na ako ng biglang nadinig ko ay ingay at basag ng mga plato, patakbo akong dumiretso sa'min

"Sorry po mama, huhuhu!!!" Hagulgul ni Yesha habang nakaluhod,

Inilapag ko naman ang bag ko at agad naman akong tumabi sa kanya ng biglang ibato ni mama ang kaldero na ikina tama ko naman sa likod

"BWISIT KAYO!!!" sigaw ni mama at umupo sa couch na malapit sa kanya,
Sinenyasan ko naman si Yesha na umakyat na sa taas at nagumpisa ng mag linis,

Simula nung namatay si papa nag bago na sya, dati hindi naman sya umiinom, hindi rin sya mabilis magalit, pero kahit papano sinusuportahan parin nya kami sa pag aaral

Natulog na si mama matapos ang isang oras, nilock ko ng maayos ang mga pinto at bintana, tsaka na umakyat sa taas, hinayaan ko na lang si mama kase sanay nadin naman sya mag isa matulog atsaka ayaw nya kaming katabi,

Nag tupi muna ako ng mga damit bago matulog, habang nagtutupi kwento ko sa inyo ang buhay ko at pag katao ko

Ako si Zeirie, 17 years old graduating student, nakatira kami sa tagong lugar at kinatatakutan din ng ibang mga tao, bakit? May nagkalat daw na may pumapatay dito tuwing alas tres ng umaga (3o'clock AM) kesho daw tao, halimaw at kahit ano pa, pero Hindi ako naniniwala, tatlong buwan na kaming nakatira dito, wala namang nangyayaring masama, tatlong bahay lang ang nakatayo dito, bahay namin at sa iba, wala akong mga kilala dito, lagi na lang kasing nasa loob ng bahay nila ang mga nakatira dito.

Tatlong buwan ang nakakaraan namatay ang papa ko sa heart attack, tatlong buwan din kaming nagtiis sa ugali ni mama, kinya namin ni Yesha lahat ng mga pinaggagawa nya sa'min, naisip kong magtrabaho para makatulong kay mama pero natatakot ako, hindi ko alam pero natatakot ako, o sya matutulog na ako inaantok na kase ako, good night

"Alis na po ako!" Paalam ko habang sinusuot ang sapatos ko, tsaka na umalis,

Maglalakad lang ako papunta sa school, malayo layo din yun, wala namang masasakyan dito kase takot sila, weird nila,

"May namatay na pusa sa hallway guys, grabe nakakadiri talaga!!" Bungad sa'kin ng makapasok ako sa loob ng school,

"Kawawa naman yung pusa!!" Ani ng isang babae habang nag susuklay,

Wala akong ganang makita kung ano man yun,

Dumiretso na lang ako sa room na para bang walang nangyayari, ayokong madamay sa issue nila,

"Hi, Zeirie!" pagbati sa'kin ni Stacey ng makaupo sa desk ko,

Si Stacey yung Isa sa nakikipag usap sa'kin, tatlo talaga sila si Gavin yung jowa nya, atsaka si Xialle, siguro nandun sila sa hallway nakikibalita sa pusa,

"Zeirie, si Xialle at si Gavin nasa hallway, tara daan tayo!!" Pag aayà ni Stacey, pero hindi ko na lang sya pinansin, ayoko ng makigulo sa kanila, kahit na ginugulo nila ako araw araw,

"Waah, grabe talaga yun, yun na yung pinaka masarap na nakita ko!!!!" Sigaw ni Xialle ng makapasok sa loob,

"Ang ingay mo!!" Bulyaw naman ni Stacey tsaka ibinato ang notebook na nasa desk nya, pinulot naman ni Gavin at tumabi kay Stacey tsaka inakbayan

"Grabe talaga, halika Zeirie tignan mo!! Grabe!!" Pag aayà ni Xialle atsaka hinila yung kamay ko, pero pumiglas ako,

"Ano kaba?! Hayaan mo nga sya!!" Pag pigil naman ni Gavin kat Xialle atsaka naman sya bumitiw,

Umupo naman sya sa katabi kong bakanteng upuan

Hindi ako nakikipag usap sa kanila, kagaya nga ng Sabi ko kanina ayokong makigulo sa kanila, kilala ako dito bilang isang pipe, tinatawag ako ng iba na pipe girl, pero pinoprotektahan naman ako nila lalo na si Stacey.

"I've already ask my mom, and she say yes!!" Masiglang banggit ni Stacey tsaka niyakap si Gavin

"Talaga?!" Banggit ni Xialle na may halong pang aasar

"Shut up!!" Inis na bulyaw ni Stacey tsaka sya binato ng sapatos ni Gavin,

"Fck!! Gross!!" Mura nito atsaka binato pabalik yung sapatos "Smell like a fuckng dead rat!!" Dugtong nya

"Grabe naman 'to, amoyin mo kaya yang sayo, baka nga malala pa!!" Bulyaw naman ni Gavin tsaka isinuot ang sapatos nya

"Guys, si Kiera pinag tritripan yung patay na pusa!!" Sigaw ng lalaking estudyante at tumakbo papunta sa sinasabi nya, sumunod naman yung halos kalahati ng estudyante sa classroom namin,

"Let see?" Pag aayà ni Stacey tsaka ako hinila na ikina tama ng tuhod ko sa isang upuan "Sorry!" Pag hingi nya ng tawad, hindi na ako nakapag piglas pa kase sobrang bilis nya,m tumakbo

"Grabe, she's totally insane!!" Bulong Naman ng babae sa kasama nya,

"Hindi man lang sya naawà!" Bulong naman ng isang babae sa likod

Lalo pang lumapit yung tatlo, binigyan naman sila ng madadaanan, kaya mas lalo pa naming nakita kung ano anong pinag gagawa ni Kiera sa patay na pusa

"Waaahh!!" Pag hanga ni Xialle

"Oh my gosh!!" Ani ni Stacey tsaka tinakpan ang bunganga nya,

Grabe talaga yung ginawa nya, yung pusa kitang kita na yung laman nya, yung mata naman nya halos matanggal na, atsaka yung mga kamay at paa ng pusa parang papel sa sobrang yupi, yellow ang kulay ng pusa pero red na ito ngayon dahil sa mga dugo, at ang masaklap pa ay pinag lalaruan ni Kiera, pinag aalis nya yung mga laman loob ng pusa, naka gloves naman sya, atsaka hindi sya naartehan sa mga ganyan,

"Oh my gosh girl, don't tell me you kill that cat?!" Nandidiring tanong ng kaibigan nya, habang nakatakip ang bunganga gamit ang panyo

"No! I already see this sht die, ask them?!" Paliwanag nya atsaka inihagis ang duguang pusa papunta kay Xialle na walang reaction "Oh? Sorry, I didn't see you, I'm so sorry!!" Pag hingi nya ng tawad kay Xialle na kulay dugo na ang puting putì na uniform

"It's okay!" Malamig na sagot ni Xialle, pinunasan naman sya ni Kiera gamit ang kamay nya pero lalong naging kulay dugo dahil sa dugo na nasa gloves nya "I've already fckn said, It's okay!!! You didn't understand that?!!! Look what you did!!!" Sigaw ni Xialle na dinig ata hanggang sa principal office

"I'm truly sorry, please I didn't mean to!!" Pag hingi pa nya ng tawad atsaka hinawakan sa kamay si Xialle na lalong nag pa inis sa kanya,

"You fuckin shit!!" Sigaw ni Xialle atsaka sya hinawakan sa leeg, inawat naman ito ni Gavin at sinenyasan kami na umalis na,

Hinila naman ako ni Stacey papuntang room na aligagang aligaga, "Oh my gosh, this is....." Pag putol nito habang paikot ikot sa pwesto namin,

Makalipas ang 20 minutes ay dumating na ang class adviser namin,

"What is happening in here?!!" Bulyaw nito "Where's the others?!!" Dugtong pa nya tsaka binagsak ng malakas ang mga makakapal na libro,

"Ma'am y-yung iba po sinamahan si Xialle sa CR, p-para mag linis" Pag sagot ng isang estudyante

"Oh? That good guy Xialle Waller huh?" Ani ni ma'am, halata sa mukha nya na ayaw nya talaga kay Xialle, palagi kasing sumasagot si Xialle kay ma'am "He need some half of my students to help him, go to CR, huh?" Dagdag pa nya, sunod sunod na nakayukong pumasok ang mga estudyante sa loob at umupo sa kanila kanilang upuan, sumunod nadin sila Gavin nakayuko siya at umupo sa tabi ni Stacey, habang si Xialle naman ay walang emosyon na umupo sa tabi ko, magkatabi lang kase kami, nasa kanan nya ako, nasa kaliwa ko sya,

"Okay? So Mr. Waller is here, can we start?!!" Ani ni ma'am atsaka nag umpisa ng mag sulat sa board, napalingon naman ako ng konti kay Xialle, wala parin syang emosyon, sinusulat nya ang bawat letra na sinusulat ni ma'am sa board,

Matapos ni ma'am mag sulat sa board ay umalis din sya "I will back, quiet!!" Ani ni ma'am at lumabas

Wala paring emosyon si Xialle habang iniikot ikot ang ballpen na hawak nya,

"Xialle, are you okay?" Tanong naman ni Stacey

"Yeah!" Maikling sagot ni Xialle tsaka sya nginitian "I will never forgive that shit!!" Bulong nito at ngumisi

Psycho'sWhere stories live. Discover now