Para Kay Long Hair (tula ng isang nagddrama)

82 3 4
                                    

PARA KAY LONG HAIR

Marami akong natutunan dahil sa 'yo...

Hindi mo hawak ang buhay ng isang tao...

Hindi mo pwedeng ipilit lahat ng gusto mo...

Minsan, kailangan mong magsakripisyo...

Dahil sa 'yo, marami-rami na rin akong nagawa,

Mga bagay na hindi ko akalain na aking magagawa..

Ewan ko kung anong pumasok sa aking utak,

Nang magawa ko ang mga bagay na kasindak-sindak...

Ilang beses na rin kitang hinabol...

Ilang beses na rin akong humagulgol...

Ilang beses na rin akong nagmakaawa,

Na ikaw ay huwag mawawawala...

Pinakinggan mo naman ang aking hiling,

Na ika'y huwag mawawala sa aking piling...

Pero sabi nga ng mga tao sa paligid ko,

Walang bagay na permanente sa mundo...

Ngayon na HINDI KO NA PWEDENG HAWAKAN ANG IYONG MGA KAMAY,

Ngayon na BINURA MO NA AKO SA IYONG BUHAY,

Ngayon na HINDI KO NA PWEDENG SABIHIN NA MAHAL KITA,

ngayon na MAY MAHAL KA NG IBA...

Kahit masakit kakayanin ko,

Ang importante ay ang kaligayan mo,

Maging masaya ka sana,

Kahit sa piling na ng iba...

🎉 Tapos mo nang basahin ang Para Kay Long Hair (tula ng isang nagddrama) 🎉
Para Kay Long Hair (tula ng isang nagddrama)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon