Chapter 1:Too Bad

5 0 0
                                    

Naglalakad ako patungo sa isang lugar kung saan namin napag usapan ng aking kapwa mag aaral magpraktis ng cheerdance (totoong buhay tong part na to, syempre yong mga kasunod imahinasyon na).Inis na inis ako kase araw araw kami nagpapraktis pagkatapos ng klase. Morning session kase kaming mga mag aaral ng junior high kasabay ng mga freshmen.

Kaya naman tuwing sasapit ang ala una ng hapon ay dumideritso na kami sa lugar ng pag i-ensayuhan.

Nagmamadali kaming maglakad ng aking kaibigan dahil napakainit ngayong araw.

"Dai bilisan mo nga"iritang pahayag ko.
Ang bagal nya kase maglakad e, ang init init kaya.

Yeah.. madalas akong magtaray lalo na at mga topak ako sa sobrang init haha.. pero dahil bestfriend ko sya kilala na nya ako.

May pagkamahinhin na tatanga tanga kase sya (Opppsss .. Foul sorry besshy haha).Paano ko nasabi na tatanga tanga sya ?? kase twing tatawid kami ng pedestrian lane at kasabay ko sya lagi nalang syang nawawala sa likod ko. Ewan ko ba don tinatawag ko sya para sumunod sakin tapos pag nililingon ko sya wala na hindi na makatawid, ang engot diba ?? May kasabay na di pa makatawid.

At isa pang mas malala hindi lang sya ang muntik ng masagasaan , Ako rin kase bigla syang tumigil nagulat ako kase di ko na sya maramdaman sa likod ko bwesit yan. Napatigil tuloy ako at binalikan sya.

Anong trip nya ? face to face sa sasakyan ?? Ang galing diba ? para syang Alien na di alam ang mangyayari kapag nakipagbungguan sya sa sasakyan.

Hala enough na at baka mamaya magalit pa yon. Haha nabunyag yong kaengotan nya..

Naglakad na kami malapit sa highway..

"Mamaya kana tumingin sa cellphone mo tatawid na tayo dito".sabi ko.

At ang bruha tumingin lang parang pipi na di makapagsalita haha.

"Traffick naman kaya tumawid na tayo"ulit ko.

"Sige ,"sagot nya.

Aba ! nakakapagsalita ang bruha hahaha.

Tumawid na kami sa kalsada kahit di kami dumaan sa pedestrian lane kase traffick naman sa dito sa parte ng dadaanan namin maliban nalang sa kabilang tawiran kase kaunti lamang ang tumatawid doon.

"Dalian mo naman bii"sabi ko.

"Oo na ayan na".sagot nya.

Tumigil kami saglit kase may dadaan. Nasa kabilang kalsada na kase kami.

Malayo pa ang sasakyan kaya sabi ko tumawid na kami kase malayo pa.

Aba ang bruha tumakbo sa kalsada ang layo pa kaya.

Pero dahil nga naglakad lang ako at nauna sya mukha syang tanga na tatawa tawa.

May sasakyan na paparating at parang wala itong pakialam sakin. Hello ?? may tumatawid O?

Ang bilis ng andar nya at bago pa sya makarating sakin e nakatawid na ako.

Bigla namang bumagal ang takbo nito. Sabay ibinaba ang bintana ng nasa shotgun seat.

"May over pass naman bat di kayo dumaan don ? "sigaw nito.

Aba aba.. May pagbaba pa ng salamin na bintana para sumigaw.

"Pakialam mo ba ?"sigaw ko pabalik.

Pero di ko alam kung narinig ba nito ang sinabi ko kase humarurot na ito paalis.

Hindi naman sya ang driver kung makapagdemand.

Nakarating na kami sa lugar ng pag i-ensayuhan at nakasimangot ako buong oras ng pagpapraktis nakakabadtrip kase.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love On RoadWhere stories live. Discover now