SEVEN

42 1 0
                                    

SEVEN
© heiresswp
______________________

WHY this class is so boring? A boring teacher and a boring topic. Seriously? Angels?

Kunot-noong nakadungaw si Lynx sa labas ng bintana habang nagkaklase sa harap ang matandang si Mr. Salvacion, ang guro niya sa Philosophy 3 na tinatawag niyang boring. Tinatapik tapik niya ang hawak niyang fountain pen sa arm rest ng armchair niya. Nilalakasan niya ang pagtatapik, sinasadya niyang iparinig iyon kay Mr. Salvacion dahil naiinis na siya sa topic na pinag-uusapan nila.

Topic na walang katuturan para sa kaniya.

"Angels really do exist, and according to John Kaye Douglas from his book entitled Seraphim, there is a traditional hierarchy of angels ranked from lowest to highest into the following three orders: Pawns, Blythes, and Fyres..."

Pasok sa kaliwa, labas sa kanan lang ang ginawang pakikinig ni Lynx sa walang katuturang itinuturo ni Mr. Salvacion. Napataas ang kaliwang kilay ni Lynx nang makitang magtaas ng kamay ang kaklase niyang si Robert na hindi naman niya maitatangging mahinang makapick-up sa mga bagay-bagay. Nakakapagtaka ngang nakatungtong pa ito ng third year college gayong mas may utak pa yata ang aso kaysa rito.

"Yes? Mr. Dimagiba?"

"Ano pong ibig niyong sabihin sa Fyres? As in, mga sunog?"

Napuno ng tawanan ang klase dahil sa naging tanong nito. Samantala, napairap naman si Lynx sa kawalan habang naiiling.

Stupid.

Kaagad na pinatahimik ni Mr. Salvacion ang klase. Akmang magsasalita na ito para i-explain kay Robert ang maling pagkakaintindi nito nang si Randy naman ang magtaas ng kamay. Katabi lang nito si Robert na ngayo'y pakamot kamot sa ulo nito.

Kung kanina'y kaliwa, ngayon naman ay kanang kilay na ang tumaas kay Lynx. If he was not mistaken, si Randy ay kapatid ni Brandon Dimabulok, may kakambal itong babae at parehas silang geek.

Tahimik ang buong klase habang hinihintay ang pagsasalita ng weirdong si Randy. Inayos muna nito ang makapal na salamin bago mapagdesisyunang magsalita. Maging si Lynx na nabobored sa klase ay handa ring makinig.

"I also read that book of John Douglas sir. And Robert," humarap ito sa katabi. "Fyre is the highest rank among the three. Their task is to fight the demons who wants to wreck the peaceful kingdom." Umupo na ito matapos sabihin iyon.

Napanguso si Lynx saka humarap muli sa may bintana. Pinipigilan nito ang napipintong pagtawa. Randy's so bright. Buti hindi nagmana sa kuya niyang tatanga-tanga na uto-uto pa.

Pinuri ni Mr. Salvacion ang pag-a-advanced reading ni Randy, pati ang pagiging mahilig nito sa mga libro. Pagkatapos ay ipinagpatuloy nito ang discussion tungkol sa mga Blythe at Pawn ngunit hindi na iyon pinakinggan pa ni Lynx.

Napasilip siya sa bintana at namataan niya ang apat na kaibigang naglalakad sa may open field. Nasa tabi kasi ng field ang building kung nasaan siya ngayon at nasa ikatlong palapag siya.

Bagot na bagot na si Lynx habang hinihintay na ma-dismiss ang klase. Nakadungaw lang siya sa bintana at hindi pinapakinggan ang sinasabi ng guro sa harap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HAVEN (100-DAY JOURNEY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon