Manika

3 0 0
                                    

Bata palang ako, galit na ako sa manika. Hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing nakakakita kasi ako ng mga manika parang na-iimagine ko na katulad sila ni Chucky doll. Yung manikang sinumpa na nagsasalita at pumapatay ng tao. Galit at naiinis ako dito.

Naaalala ko yung manika ng kalaro ko dati. Maganda ito, mala-porselana ang
ang kutis, mala-kulay dagat ang mata at mapula ang labi. Human sized doll din ito. Kasing laki ng 4 year old na bata. Maganda pero delikado para sa kalaro ko at baka mamaya patayin siya ng manikang ito. Kaya inunahan ko na lang. Kinuha ko ang kutsilyo at pinagtatadtad ang katawan at ulo hanggang sa magkapira-piraso ito. Nang makita ng kalaro ko ang ginawa ko sa manika niya umiyak ito at sinumbong niya ako sa mommy at daddy niya. Mula noon hindi na ako pinalapit ng magulang niya sa kanya, at baka daw lahat ng laruan ng anak nila eh sirain ko. Nagtataka nga ako eh, gusto ko lang naman makatulong. At baka patayin ng manika na iyon ang anak nila. Pero di bale bahala na siya sa buhay niya, balang araw marerealize niya rin na masasama ang manika

_____

Naalala ko naman noong mapadpad ako sa isang restaurant. Nakakita ako ng manika sa isang stroller. Ang cute niya, mukhang sanggol na manika. Hinawakan ko ang mukha, ang lambot nito.....naiiba sa mga manikang nakasanayan kong hawakan at sirain. Ang cute din niya dahil bilugan ang mga mata, malantik din ang pilik-mata nito. Makipot man ang labi pero maganda ang hubog nito. Napakaperpekto naman nitong manika na ito. Sa sobrang cute hindi ko siya kayang sirain.

Aalis na sana ako nang biglang nakarinig ako ng maliit na salita.

"Bababbababa" wika nito, ito ang eksatong sinabi ng manika.

Nilingon ko ito, hindi ako nagkakamali! Nagsalita ito. Sinasabi na nga ba eh! Totoong sinumpa ang mga manika. May sumpa ito!

Baka patayin ako nito kapag di ko inunahan. Kaya nilabas ko ang kutsilyo at walang pag-aalinlangan na ginilitan ang leeg at pinagsasaksak sa mukha. Hanggang sa hindi ko na ito narinig na magsalita pa.

Natapos din. Patay na siguro ang manika na ito. Kaya dahan-dahan akong naglakad papalayo. Wala naman taong nakapansin sa ginawa ko dahil unti lang naman ang mga tao at may kanya-kanyang mundo ito.

Nang makalabas ako sa restaurant. Napahinto ako ng nakarinig ako ng malakas na palahaw sa loob. Nakita ko ang isang babae na kung di ako nagkakamali nasa 30 plus na ang edad nito...... malakas ang iyak nito at sobrang gulat na gulat sa nangyari. Siguro siya ang may-ari ng Makila? Pero teka.... Bakit parang nagimbal siya sa nangyari.... Bakit? Hindi niya ba nagustuhan ang ginawa ko? Pasalamat siya at niligtas ko siya sa sinumpang manika na iyon.

Naglakad ako papalayo pero napahinto ako nang may mapansin ako sa mga kamay ko. Naku! Kakaiba talaga ang manika na iyon oh! Dapat lang na pinatay ko siya.

Pero ang ganda pala tingnan ng likido sa kamay ko. Parang napakagandang disenyo. Teka, ano ba toh?

Inamoy ko siya. Malansa ito, pero sinubukan kong tikman. Ayos naman, maalat-alat na medyo matamis at lasang-kalawang. Ano na nga ba ang tawag dito? Du???? D-du..... go???

OO DUGO!

Twisted ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon