Kabit

1 0 0
                                    

Tumatawag ako sa cellphone ng boyfriend ko pero di niya sinasagot. Naiinip na ako sa kakahintay sa kanya dito sa tagpuan namin. Kaninang alas sais pa ako ng hapon naghihintay sa eleganteng restaurant na ito. Dito kasi namin napiling magdate ngayon.

Para mabawasan ang pagkabagot at pagkainis ko tinawag ko ang waiter.

"Waiter! Wine please" kako nalang, pero imbes na pansinin ako inignora lang ako.

"Waiter!" tawag ko ulit pero di ako pinansin.

Ano ba ang problema nito? May tutuli ba siya tenga at ganyan kalakas ang pagkabingi niya! asar na sabi ko nalang sa isip.

Napamura ako sa inis "B*llshit!" ani ko. Mabilis akong lumabas sa restaurant na iyon.

Nakakabadtrip talaga. Panira ng araw!

Sinubukan ko uli tawagan ang boyfriend ko. Pero hindi ito sumasagot. Hindi kaya may......

Fvck! Ayokong tumama ang hula ko pero baka may iba itong nilalandi.

Mabilis akong pumara ng taxi. Pero wala man lang humihinto.

"T*ngina naman!" inis na sabi ko

Kapilitan nilakad ko ang daan papunta sa condo ng boyfriend ko. Medyo malapit naman ito sa restaurant na dating spot sana namin.

Upang mabilis akong makarating, tinanggal ko ang heels ko. Nang makarating ako, in-enter ko ang passcode ng room niya. Mata-Maya tuloy tuloy akong nakapasok. Nang makarating ako sa pinto ng kwarto niya dinig na dinig ko ang ungol niya. Parang ungol ng nagtatalik.

Halos sumabog ako sa galit. Pumasok ako sa kwarto ko! Naghahalikan sila ng babae habang hubad sa ilalim ng kumot. Mga ahas! May kabit pala siya!

Buong pwersa ko itong tinanggal at nakita ko nalang ang katawan ng babae na nakahiwalay sa ulo niya. At itong walang hiyang boyfriend ko parang tuwang-tuwa na hinahalikan sa bibig habang hawak ang ulo ng babae!

Fvck anong nangyayari sa kanya!

Nang lapitan ko sila nakita ko ng malinaw ang mukha nito at napasigaw ako nang makita na kamukha ko ang babaeng putol ang ulo. Ako at ang babaeng inakala kong kabit ay iisa. Hanggang sa marealize ko na hindi ako buhay. At nakita ko nalang na lumulutang ako sa ere na parang ligaw na kaluluwa.

"Akin ka lang Celeste! Akin lang ang buong katawan mo whahaha hah" ito ang huling salita na narinig ko sa boyfriend ko bago ako lumipad paalis sa condo niya nang may kuryosidad at takot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon