Chapter 3

18 4 3
                                    

MATT'S POV

~RRRIIIIINNNGGGG~
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko

'What a good morning'

Inayos ko na ang gamit ko at naligo pagkatapos ay bumababa na ako at nakita kong naghahanda si manang ng umagahan

"Morning manang nasaan sila mommy?" Tanong ko

"Natutulog pa ayokong gisingin kasi pagod na pagod" sabi ni manang

"Anong oras na po sila nakauwi?" Tanong ko ulit

"12 na sila nakauwi" sabi ni manang "Sige na iho kumain ka na" dugtong pa nito kaya naupo na ako at nagsimulang kumain. Maya-maya lang nakita kong bumababa sa ate ng hagdan

"Morning Matt" sabi ni ate

"Morning" sagot ko naman. Umupo si ate sa tabi ko at kumain na din.

Pagkatapos kong kumain umakyat na ako at kinuha ang cellphone ko nang biglang itong tumunog. Tumatawag si tito Zack

'Bakit kaya?'

Sinagot ko ito. "Bakit po tito?" Tanong ko

("Pwede mo bang sunduin si Zane dito kasi baka kung anong mangyari pag nagdrive pa ito")

"Ah sige po papunta na po ako"

("Salamt iho") sabi nito sabay baba ng linya

'Tatlong araw na din palang hindi pumasok si Zane. Namimiss na siguro siya ng mga ate niya.'

Umalis na ako at nagpaalam na kay manang

"Manang pakisabi kila mommy ma wag magpapagod kasi nag aalala ako sa kanila, sige na manang alis na po ako" sabi ko

"Sige iho magingat ka ha" sabi ni manang sabay balik sa loob ng bahay. Sumakay na ako sa kotse at dumeretso sa bahay ni Zane.

'Kamusta na kaya yung babaeng yun? Sana ok lang siya. Aaminin ko namimiss ko siya ang tahimik kasi pag wala siya'

Nang makarating ako ay pinagbuksan ako ng mga guards ng gate. Pinark ko ito sa harapan ng bahay nila. Pinagbuksan nila ako ng pinto at nakita kong nagtatalo si tito at Zane

"Dad ok lang ako kaya kong magdrive" sabi ni Zane

"Pinasundo na kita kay Matthew" sabi ni tito "Oh nanditan na pala siya, tara rito iho" dugtong pa ni tito kaya lumapit ako.

"Dad naman eh di mo naman kaylangan gawin to nakakahiya kay Matt" sabi ni Zane

"Di ok lang Zane" sabi ko kaya wala na din nagawa si Zane. Sumunod siya nung lumabas ako

"Akin na yang bag mo" utos ko at binigay niya naman ito. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse kaya pumasok na siya pagkatapos at pumasok na din ako. Pinaandar ko na ang kotse ko

"Are you feeling better?" Tanong ko

"Oo" sabi niya "Di mo na nga dapat ginagawa to eh" dugtong pa niya

"Ok lang naman sa akin eh you don't have to worry" sabi ko ng may ngiti sa labi.

Nakarating kami sa school. Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot kung saan ako lagi akong nagpapark ng kotse.

5Bv5GWhere stories live. Discover now