Mae's POV
Unti unti kung minulat ang mata ko dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa may window ko dito sa kwarto ko
"Anong oras ka ba Mae ha gigising? Aba't ikaw na bata ka. Wala ka bang pasok ha?" Si Mama yan armalite nasa umaga
"M-ma naman eh" napakamot ako sa buhok ko nakahiga pa din sa kama
"Anak naman anong oras na oh. Ala syiete na ng umaga" problemadong sabi pa niya habang pinagbubuksan ang kurtina ng window ko
"Ma sobrang aga pa. Alas diyes pa ang pasok ko. Tatlong subject lang ako ngayon" inis mung sabi
Anong oras na kaya akong nakatulog kagabi kakaisip kung paano ko yayayaing lumabas ng lunch si Jame para sabay na kaming kumain edi parang date na din iyon.
Humingi kaya ako ng advice kay Mama? Baka kasi mabigyan niya pa ako ng magandang advice yung magiging son-in-low niya naman din iyon in the future eh.
"Ma?" Tawag ko
"Hmmm" nasa harap na siya ng dresser ko
"Paano ba ang tamang pagyaya sa lalaking makipag lunch date" deretsahang tanong ko
Nakita ko pa talaga na napahinto si Mama sa pagsuklay ng kaniyang buhok gamit na naman ang suklay ko shock na shock siyang napatingin sa akin mula sa salamin at dahan dahang napalingon pa.
"Anong sabi mo?" Napatakip ako sa dalawa kung tenga dahil sa sigaw ni Mama
"Serena Mae Samontes" sigaw niya napapikit ako dahil sa lakas ng boses niya
Sabay pa kami napalingon ni Mama sa malakas na pagbukas ng pintuan ng kwarto ko
"Hon. Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" Jusko si Papa
"Papa" sigaw ko din
"Hon" si Mama
"Why?" Takang tanong niya
"Really Daddy? Naka brief ka lang?" Hindi makapaniwalang tanong ko
Jusko po. Napa sign of the cross ako dahil sa nakikita ko so it means ginagawa pa nila talaga yun?
"Ma Pa? Gi-ginagawa niyo p-pa d-din?"
tsaka lang ni daddy na pansin kung anong suot niya ngayon
"At dito ka nanggaling." Turo niya don
"Daddy" sabi ko
"Bakit sumisigaw ang Mama mo?"
"Ang anak mo Jusko Enrico Jusko bigla nalang akong tatsnungin kung paano ba ang tamang tanong kung may gusto siya yayaing maglunch date sa lalaki" pinandilatan ako ni Mama ng kaniyang mata
"Yun lang naman pala Ma." Umiiling iling pa si Papa
"Mag-ayos kana jan Serena dahil mag-aalmusal na tayo tsaka ko na sasabihin sayo. Ma halika na sabay na tayo pumasok sa kwarto natin"
"Enrico" matigas na tawag ni Mama
Hindi na nag abalang lingunin ni Papa si Mama lumabas na siya ng kwarto kaya ako nag ayos na ng aking sarili maliligo nalang ako kaagad para mas mabilis yung pag aayos ko baka masigawan pa ulit ako ng Mama ko
Nadatnan ko na sila na kompleto ng nandoon pati yung kuya ko at ang bunso naming kapatid na lalaki si Papa busy nasa pag inom ng kaniyang kape habang nagbabasa ng dyaryo
"Good Morning Pa. Good Morning Ma" humalik sa pisngi nila
"Ate can you please come to my school later" sabi ng kapatid ko
BINABASA MO ANG
Because You Love Me
Teen FictionIba din naman pala yung nagagawa ng Pag-ibig. Hindi mo masasabing siya na talaga yung para sayo kahit na kilalang kilala muna siya. Pero kahit nasa mga ilang araw, linggo o buwan palang kayong magkakilala kung iba yung pagtibok ng puso mo sa kaniya...