CHAPTER 6

479 7 6
                                    

ANGEL ON FIRE

By rj nuevas

 

CHAPTER SIX

Gusto niyang tumalikod, lumakad papunta sa pinto, tumakbo, magtago. Pero hindi niya nagawa. Hindi niya alam kung bakit pero napako lang siya sa kinatatayuan niya. Sa lalaking iyon. Sa guwapong lalaking iyon. Sa basa nitong mahabang buhok. Sa magandang katawan nitong may mga patak-patak pa ng tubig. Mga tubig na umaagos pa pababa mula sa nakaalasa niyang dibdib pababa sa mabalahibong tiyan na flat at may mga muscles. Pababa sa groin area nito na…

            Itinaas niya ulit ang tingin niya. Ayaw niyang tumingin “doon.” Nahihiya siya.

            At ang lalaking iyon…ang anak ng may-ari ng hotel…si Bed…ay nakatingin lang sa kanya. Ni hindi ito kumuha ng towel na dinala niya. Maganda ang mga mata nito, sa malapitan, malamlam, mahahaba ang malalantik na pilik-mata. At kung makatingin, penetrating. Tumatagos sa kanyang pagkatao.

            “You look familiar,” sabi nito sa kanya. “Do I know you?”

            Oh my God! Baka namukhaan na siya nito. Na siya ang babaeng naninilip noong may ka-sex siya sa cubicle ng C.R. sa Ortigas.

            Noon parang na-break ang spell. Parang may kumawala sa kanyang utak. Pumitik. Mabilis na nakapag-isip. “Sir, I was at the reception when you came,” sagot na lang niya. Saka siya umatras. At tumalikod na. Papunta sa pinto. She’s relieved dahil nakapagsinungaling siya agad.

            Pero bumukas na ang pinto bago pa man niya mahawakan ang door knob. At pumasok ang isang babaeng maganda, sexy, sosyal. Nagulat ito pagkakita sa kanya.

            “Who are you?” may katarayang tanong nito.

            At bago siya nakasagot ay napatingin din ito kay Bed. Nanlaki ang mga mata nang makitang nakahubad ito.

            “Why are you naked?” Mas lalo itong tumaray. “What are you two doing?”

            “I asked for towels,” sabi ni Bed. Pero ni hindi ito nagtapis ng tuwalya. Sinalubong ang babae, niyakap, sabay halik sa leeg nito. “I took a shower so that I’d be ready for you.” Hinalikan nito ang babae sa leeg na nagpahagikhik dito. Note: hindi ito ang babaeng nakita niyang ka-sex ni Bed sa Comfort Room cubicle sa Ortigas.

            “Ikaw talaga. Napaka-exhibitionist mo.”

            At siya, nakaramdam ng awkwardness. Feeling niya, hindi iyon dapat ginagawa sa harap ng ibang tao. Parang siya ang napahiya. Tinungo na niya ang pinto. Lumabas siya. At hinila niya pasara ang pinto.

            Pero bago iyon tuluyang sumara, may naiwang siwang. Kapirasong espasyo kung saan nakita pa rin niya ang nangyayari sa loob ng penthouse…sa dalawang iyon…kay Bed at sa babaeng iyon. At tulad nang nangyari sa c.r. sa Ortigas, hindi siya agad nakaalis. Na-mesmerize siya. Nanood.

            Nakatalikod si Bed, hubo’t-hubad pa rin. Yakap nito ang babae, hinahalikan sa leeg habang mabilis na hinuhubaran ng blouse. At ang babae, nakataas pa ang isang paa sa bewang ni Bed. Nakapikit ang babae. Kung kanina ay humahagikhik dahil nakikiliti, nakapikit na ito ngayon. At mahinang umuungol. Ibang kiliti na ang nararamdaman.

            At si Bed, napalingon. Nakita siyang nakatingin, naninilip. Namboboso. At napangiti ito sa kanya. Isang pilyong ngiti.

            Mabilis niyang hinatak ang pinto pasara.

ANGEL ON FIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon