Chapter 1 - Card

830 14 1
                                    

August 2010

Lassey

I blinked so many times. If my eyes were not lying it is Gary Netro Gabriel who is approaching into my direction. Oh my lord! My ultimate crush! Ang lalakeng palagi kong ini-imagine sa gabi gabi bago matulog. In my wildest dream I had kissed him a hundred times.

But he is so out of my league. He already has a girlfriend na katulad nito ay mayaman at nabibilang sa pamilyang may sinasabi sa lipunan. Who would actually notice a girl like me na isang mahirap lang who happened to have fat brains that's why I was able to get a scholarship and got the priviledge to study in one of the finest school in our province. The Millennial University, pag-aari ito ng pamilya ni Netro.

Netro is wearing his basketball outfit. Katatapos lang ng laro nito kalaban ang Business Administration basketball team. At natalo ang grupo ni Netro na kabilang sa Engineering department. I watched the game and I couldn't help to feel sorry for my beloved Prince Charming.

But what is he doing right now at lumalapit ito sa direksyon ko? Napatingin tuloy ako sa likuran at baka nanduon talaga ang sadya nito. Nakaupo ako sa may pinakadulo na ng court. Ako lang ang nag-iisang istudyante na natira doon dahil unti unti ng naglabasan ang mga nanood sa basketball event.

"Hello..."
Bati nito nang tuluyang makalapit.

Tiningala ko siya. I must be dreaming. Ilang buwan na akong nag-aaral dito pero ngayon ko lamang nakaharap sa malapitan si Netro. I've been admiring him from a distance. He is even more attractive sa malapitan.

"H-Hi..." Out of consciousness ay inipit ko sa gilid ng tenga ang buhok. My heart is beating wildly.

"I want to ask you a favor."
Umupo ito sa tabi ko. Gosh! This is not happening! Him? Beside me? I wouldn't like to wake up in this very nice dream.

Palingon lingon ito sa mga kagrupong player sa di kalayuan na nakatingin sa'min. His attention is more on them than me. Mukhang hindi naman talaga ito interesado sa'kin. But I didn't mind at all. Basta ang mahalaga ay abot kamay ko siya sa tabi ko.

"A-ano iyon?"
I asked with a breathy voice.

His Bright intent eyes mets mine.
"Will you be my girlfriend?"

Kamuntik ko ng mabitiwan ng ang mga librong nakapatong sa mga hita ko.

Humigpit ang hawak ko sa mga libro na tila doon kumuha ng lakas. I stared at him with wide eyes.

Nagpunas ito ng pawis sa mukha gamit ang face towel na nakasampay sa balikat nito. Kahit pawisan ay mas naaamoy ko ang pabango na humalo sa pawis nito.

"This is not really serious." Patuloy nito. "I mean...gusto ko lang pagbigyan ang mga iyan..."

Ininguso nito ang mga lalakeng nagtatawanan pa habang nakatingin sa amin. Muli nitong ibinalik ang tingin sa'kin. His face is only an inches away. He don't have any idea that my heart is in riot state while he is there, looking at me with so much convincing power.

"B-Bakit naman?" I stammered.

He shrugged his shoulders. "Well, those guys are challenging me kung kaya kong magpasagot ng isang babae in just one day and so it happens that you're the only girl who's left here after the game..."

The Man Who Hurt Me (Enhancing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon