Naglalakad ako sa hallway, lahat ng dinadaanan ko, kinakawayan at binabati ko, pero hindi nila ako pinapansin. Aw. Inisnob ako?! Pheymuuths. = ̄ω ̄=
Nag ring na ang bell, lahat ng nasa gilid ko biglang nagtakbuhan. Nagulat ako ng biglang may bumangga sakin. Mas lalo kong kinagulat ng nasa harapan ko sya. Sumigaw ako na masakit. Pero nagtuloy tuloy lang sya sa pagtakbo. Iniisnob talaga nila ang beauty ko. -_____-
Dahan dahan lang ako sa paglalakad. Kahit late na ako. Pake ko?! Depressed ako. T_T
Pumasok ako sa room namin. Lahat sila, nakatingin lang sa board. Pati ang teacher tuloy tuloy lang sa pagturo.
"Hi sir, sorry, I'm late." pang-agaw atensyon ko.
Yung isang lalaki napatingin, nginitian ko sya pero umiwas lang sya.
Mga bulag ba tong mga toooo? Ba't di nila ako pinapansin???
Pumunta na ako sa upuan ko sa likod. At kinuha yung gamit ko sa may locker ko. Yup. yung locker namin nasa loob ng room.
Hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy nalang makinig.
Nakailang beses na akong nagtaas ng kamay, nagpumilit magrecite. Pero di nila ako pinapansin. ANO BAAAA. SIR. GUSTO KONG MAGKAGRADE! -____-
Nagpagawa ng seatwork si sir. Ipapasa ko na sana yung papel ko pero pinigilan ako nung nakatingin sakin kanina sa pinto. Ngayon ko lang napansin. Sya si Luke. Weirdest classmate ever.
Bigla nyang kinuha yung papel ko at krinumple ito.
"Hey!!! Pinaghirapan ko yan! Umayos kaaa!" sigaw ko sa kanya habang pilit kong kinukuha yung papel ko. Pero binulsa nya ito.
"Wag mong ituloy yang binabalak mo, hindi mo alam ang kakalabasan nito." sabi nya at umupo na sya sa upuan nya.
O diba!! Ang weird nya. Di Ko nagets yung sinabi nya. ≧﹏≦
Bigla nyang tinapon yung ginawa ko.
ANO BA YAN! PINAGHIRAPAN KO YUN AH.
Kinuha ko yung ballpen ko at parang tutusukin sya. Oo, ganun ako kabrutal.
Bigla syang lumingon at hinarang ang kamay nya.
ETO NA! HUMANDA KA!!!
"HALA! SIR! ANG GALING MAG MAGIC NI LUKE OH. "
Nagulat ako nung sumigaw yung kaklase namin.
Tiningnan ko lang sya.
Sya si Jani. (Jayni yung pag pronounced ) Isa sa katropa ko.
"Ani? ANIII!" Sinigaw ko pero di nya ako pinansin.
"Bakit? Ano ba ginawa nya?" sabi ni sir at tumingin samin.
Nasa ere parin yung mga kamay namin.
"Sir! Napapalutang nya yung ballpen! Astig oh!"
Ha? ano daw?
Tiningnan ko kung nasan yung ballpen na lumulutang.
Wala naman. Ako lang naman yung may hawak ng ballpen.
Wait...
"Luke, tigilan mo na yan. Hindi ito magic class."
Biglang kinuha ni Luke yung ballpen sa kamay ko.
"Oo, Line, di ka nila nakikita. Patay ka na."
