Akala mo kase kayo.

150 3 1
                                    

"Kyaaaaaaaa!" Impit na sigaw ko kasabay ng walang humpay kong paggulong-gulong sa kama. Nakarinig ako ng mga yabag mula sa labas ng aking kwarto. Iniluwa ng pintuan ang matalik kong kaibigan na si Gracie.

"Anong problema Tin?! May nakapasok bang magnanakaw ha!?" Sigaw nya habang hawak hawak na parang espada yung walis tambo. Natawa naman ako.

"Ano ka ba, Bes. Syempre wala." Sabi ko. Ibinaba naman nya yung tambo at umupo sa gilid ng kama.

"Eh bakit ka ba kase sumisigaw!? Nakakagulat kaya! Akala ko pinasok ka na ng magnanakaw eh." Napahawak sya sa dibdib at bumuntong hininga ng malalim.

"Eh keshe nemen besh eh."

"Beket besh?"

"Se Prince keshe besh eh."

"Prince? Yeng cresh me besh?"

"Ee besh. Negtext kese sye seken besh ehh. Hihihihi."

"Eneng... tama na nga yan! Ano namang sinabi sa'yo huh at parang kamatis sa pula yang mukha mo?" Nanliit yung mga mata nya, parang kinikilatis nya ng maigi yung mukha ko.

"Kasi naman... kyaaaaaa! Kinikilig talaga ako bes eh!" Sabay hampas ko sa braso nya.

"Aray ko! Ang brutal mo talaga kapag lumalandi! Kainis 'to. Balak pa ata ako gawing punching bag."

"Sorry bes. Ang saya ko lang talaga kase ehh." Nakangiti ko pang sabi sabay sulyap sa phone ko.

"Ano ba kaseng sabe?"

"Hi."

"Ha?"

"Sabi nya sakin yun bes. Hi daw. Hihihi! Oh diba!? Nakakakilig!?" Biglang tumayo si Gracie at akmang ipapalo sakin yung tambo.

"Nasisiraan ka na ba, Tin!? Nag-hi lang sa'yo, kinilig ka na agad!?"

AKALA MO KASE KAYOWhere stories live. Discover now