Paalam Na Mahal Ko

18 1 0
                                    

Date: February 27,2019 12:43 pm

Mahal miss na kita
I miss you kahit walang tayo
I miss you kahit mas pinili mong lumayo
I miss you
Miss mo rin kaya ako?

Mahal pano ba tayo naging ganito?
Pano ba nawala yung tayo?
Nagkulang ba ako?
O sadyang pagmamahal ko'y di sapat sayo

Mahal kahit wala ng tayo
Pakatatandaan mo
Pagmamahal ko sayo ay di magbabago
Limotin mo man ako
Mapadpad ka man sa kabilang dako ng mundo
Ikaw pa rin ang bukod tanging nakapagparamdam sakin ng ganito

Kaya mahal sa panamagitan ng tulang to
Nais ko iparating sayo
Mahal kita ng buong puso
Kaligayahan mo ang kaligayahan ko
Mahal alam kong hanggang dito na lang talaga tayo
Tanggap ko na mga plano na nabuo ay mauuwi na lang sa abo

Paalam at salamat sa mga alaala na lubos na tumatak sa aking isipan at puso
Labag man sa kalooban ko
Masakit man sa puso ko
Mahal pinapalaya nakita ng buong puso
Ngunit Pakatatandaan mo
Mahal kita kahit wala ng tayo

Poetry of a lonely heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon