"Wow. What's happehneng en des kantreh?!"
Napalingon ako dun sa sumigaw. "Problema mo, Reiyne(Reyn)? At may paganyan-ganyan ka pa?"
"EH KASI NAMAN! Look! Naka-ngiti ka oh! Omg! I need to make kuha may DSLR. Wait ka lang diyan!"
Ano namang masama kung naka-ngiti ako? Wala na ba akong karapatang ngumiti? Porket ba, na-friendzoned ako eh, habang-buhay ko ng dadamdamin yun? Ano ako? Tanga?
Napa-iling nalang ako atsaka ibinalik 'yung atensyon ko sa screen ng cellphone ko. Ka-chat ko kasi 'yung classmate namin nung highschool. Si Andrew.
Nakaka-tawa nga eh. Naaalala niya pa pala 'yung moment na, pinupush namin siya kay Reiyne.
Ang cute kasi nila tingnan noon. Haha!
"Himala talaga, tsk." Bulong ng kakagising ko lang na katabi. "Oh, nagising ka ba dahil sa ingay ni Reiyne, Nine?"
Humalumbaba siya. "Ano pa bang bago? Feeling ko, siya na yung alarm clock ko. Tsk. Ang hapdi ng mata ko."
Lumingon ako sakanya. Namamaga yung mata niya. "Umiyak ka nanaman?" Halos pabagsak kong nilagay yung cellphone ko sa desk. "Bakit mo ba yun iniiyakan? Sabi ko sayo eh, move-on! Ikaw nalang palaging–"
Ngumiti siya atsaka kinuha 'yung libro sa bag niya. "Chill, hindi ako umiyak. Nakalimutan ko kasing tanggalin 'yung contacts ko eh. Sarreh~"
Napa-face palm nalang ako. "Nga pala, Sino yang ka-chat mo? Kanina ko pa naririnig yang bungisngis mo. Ang weird." Tanong niya.
"Si Andrew."
Bigla niyang nababa 'yung libro niya atsaka siya napalingo sakin. Pati upuan niya, napalingo din. "For real?! Omayghad.."
Naningkit 'yung mata ko. "Why? Ano meron?" She shruggged and then she smiled. "Dunno."
"Tss.."
--
Palabas na sana ako ng campus ng biglang may kumalabit sa'kin.
Lumingon ako, syempre. Nagulat na din ako. "Andrew?!"
"P-p-paano? D-diba sa States ka na nag-aaral?!"
Ngumiti ito. "Yo"
"Ang totoo niyan.. dun lang ako sa Building C. Architectre yung kinuha ko." Sabi niya sabay ngiti.. ulit.
Hinampas ko siya. "Loko ka talaga! Buti naman! Gosh! Yung pagiging matchmaker ko, OMG!"
I used to be a matchmaker when we're Highschool. Palagi akong hinhingian ng favors ng mga lalaki noon. Kasi, kapag ako ang nag-mate, panigurado, mag-kakatuluyan kayo. Hihi.
He raised his both hands. "Na-ah-ah. Wag na wag mong susubukan imatchmake kaming dalawa ni Reiyne. May boyfriend na 'yun."
Nag-pout ako atsaka lumingon sa gilid ko. "Sino ba kasing may sabing sakanya kita i-me-mate?"
Lumapit siya sakin. Lumingon ako sakanya, at.. muntik na kami mag-kiss sa sobrang lapit niya.
Dug. Dug. Dug. Dug.
"Anong sabi mo?" Bulong niya ng naka-ngisi.
Amoy na amoy ko siya. Grabe, halos pareho sila ni Neil ng pabango. "A-ano. Wala yun. Ahehe. Pwe..pwede bang medyo, hmm, umusog ka ng konti? A..ang lapit mo kasi eh."
Nagstep siya ng dalawang beses paatras. "Okay na? Ang sensitive mo parin." I heard him chuckle. "Ah, nga pala, nasaan 'yung mga kaibigan mo? Balita ko, hindi parin kayo nag-hihiwalay tatlo ah?"

BINABASA MO ANG
Manhid Ka Kasi
Teen Fiction“Alam mo, malapit na kitang mapagkamalang paa ko eh! Ang manhid mo kasi!" Manhid Ka Kasi. © LINERUBIO Copyrighted, 2014