Oo si Stephen ang king at masaya pa ang loko..
"Kaya pala iniwan niya lang ako kanina at hinayaang mag hintay nang matagal sa kanya.." sabi niya sa sarili..
Dahil sa sama nang loob pumunta na lang c Kathleen sa veranda para mag pahangin.. Tahimik siyang nag papahangin nang may nag salita sa likuran niya..
Ronald: Anung ginagawa mo dito?? Diba dapat nasa loob ka at suportahan ang bestfriend mo?? Ai pasensya na nagulat yata kita..
Kathleen: Medyo lang naman.. Akala ko kung sino yung nag salita ikaw lang pala Ronald..
Ronald: Pasensya na ah. So, anong ginagawa mo dito sa labas??
Kathleen: Ah wala. Nag papahangin lang. Tara na nga sa loob.
Sabay silang pumasok. Pagdating nila sa loob ay tamang-tamang bumaba sina Stephen at Shaina sa stage...
Kathleen: Tara uwi na lang tayo.
(Sabay higit sa braso ni Ronald.)
Ronald: Bakit? T-teka...
Kathleen: Please.. (*-*)
Ronald: Haixt. Sige na nga. Wag ka nang mag puppy eyes.
Habang naglalakad sila papunta sa exit ay tinawag ni Stephen si Kathleen..
Stephen: Kat san ka pupunta? Uuwi ka na ba? Hatid na kita.
Kathleen: Wag na. Salamat na lang. Bumalik ka na dun sa QUEEN mo.
Tinalikuran niya si Stephen at nag lakad pa alis. Nang nakarating ma sila sa bahay nina Kathleen:
Kathleen: Gusto mo bang pumasok muna??
Ronald: Hindi na baka kasi nakakahiya.
Kathleen: Sus nahiya ka pa. Sige na. At para makilala ka na rin ni mama.
Ronald: Haixt sige na nga lang. Hindi talaga ako makatanggi sayo.
Pagpasok nila sa bahay ay na datnan nila ang mama ni Kathleen.
Mrs. Lopez: Oh, iha tapos na ba ang prom? At tsaka sino siya? (Turo kay Ronald)
Kathleen: Umuwi po ako nang maaga ma. At siya po si Ronald kapitbahay lang natin siya. Schoolmate ko po.
Mrs. Lopez: Anak boyfriend mo ba siya???
Kathleen: Ma naman eh! Kaibigan ko lng po siya.
Ronald: Tama po siya tita magkaibigan lang po kami. At salamat po pala sa pag papatuloy sakin uuwi na po ako. (Paalam niya sa ina ni Kathleen)
Mrs. Lopez: Sige iho. Kathleen samahan mo nga siya sa palabas. (Baling nito sa anak)
Hinatid niya si Ronald palabas nang bahay nila. At tinanaw niya ito hanggang sa makita niyang nakapasok na ito sa bahay nila. Pumasok na siya sa loob nang bahay nila para makapagpahinga.
Matutulog na sana siya nang may na tanggap siyang message galing kay Stephen...
From: Stephen (mylabs)
Kath kita tayo bukas sa tambayan ha. May sasabihin lang sana ako sayo. Sana makapunta ka. Good night bestfriend... ^-^
Kathleen: Ano naman kaya ang sasabihin niya sakin? Parang kinakabahan ako. Haixt bahala na bukas.
==============================
Kinaumagahan habang nag lalakad si Kathleen patungo sa tambayan nila iniisip niya kung ano ba talaga ang sasabihin ni Stephen sa kanya.
Nang nakarating na siya sa tambayan nila nakita niya agad si Stephen.
Kathleen: Oh Stephen ano ba unh sasabihin mo sakin??
Stephen: Mmmm... Ano kasi eh..
Kathleen: Bilisan mo na Stephen at may klase pa'ko.
Stephen: Kami na kasi ni Shaina. At gusto kong ikaw ang unang maka alam..
Kathleen: 0.0 (nanlaki ang mga mata niya sa gulat. At nang nahasmasan siya.) Ah ganun ba. Congrats ha. Sige alis na'ko.
Tumalikod na lang siya at hindi na hinintay ang sagot ni Stephen. Habang naglalakad hindi niya namalayang umiiyak na pala siya.
Kathleen: Ba't ganito? Ba't ang sakit. Andito naman ako palagi ah. Bakit hindi na lang ako. TT.TT
Author's note:
Pasensya na ngayun lang ulit naka pag update. Paki vote naman po sana at pwede din po kayong mag comment. Thanks po.