Yeeesss!!! Graduating na ako. Next year College na! Um by the way Im Hannah Laurine Jimenez..
Nakakapagod pala ang mag take ng entrance exam plus nakakadugo pa sa utak. Galing kasi ako sa isang certain university at yun nga medyo natuyo yung utak ko dahil sa test na yun. -_-
Napatingin ako sa malapit na parke. Ngumiti ako at saka nagdesisyong dumiretso muna doon para makapamasyal man lang.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang alalahanin yung mga nakaraan ko simula grade school hanggang high school.
Para na nga akong tanga na habang naglalakad ay tatawa na lang bigla tas bigla nanaman seseryoso at babatukan yung sarili. Mag-aangat ng tingin at palingon-lingon sa paligid saka tutungo. Ang weird di ba?
Speaking of weird... parang bumalik yung pinaka weird na nagyari sa akin nung grade school times ko. Yung crush kong nagtanong ng isang napaka weird na tanong.
Tumino na kaya yung mokong na yun? May pagka sira ulo kasi yung isang yun kaya minsan napapatanong ako sa sarili ko na kung bakit ko naging crush yung isang yun.
Haay sana kasi di na lang nagkaiba yung school namin nung highschool eh di sana napagsabihan ko kahit papaano tutal kaibigan ko naman yun. OO! Magkaibigan kami kaya medyo awkward.
Pero ang pinaka awkward eh yung time na tinanong nya ako nung ika nga "weird" na tanong na yun. Hahahaha ewan ko nga kung magsisisi ako sa sinagot ko sa kanya pero di bale na nakalipas na yun...
Ano nga ba yung nangyari nun? Aaahhh alam ko na!
[Flashback]
"Class sinong pwedeng maghugas ng mga ito?" Tanong ng aming guro. Ang pinopoint nya ay yung mga maliliit na mangkok na ginamit namin kanina nung break.
Ganito kasi sa public. Wala kaming dishwasher at kung anong ginamit namin ay responsibilidad naming linisin at ibalik sa tamang ayos.
"Ako na lang po!" Pagpeprisinta ko since boring magklase ngayon.
Tumango naman ang amin guro kaya agad akong tumayo at kinuha ko na yung mga hugasin at palabas na sana ako ng room nang...
"Hannah samahan ka na namin!" Sigaw ni Tristan na talagang nakakuha ng aking atensyon.
"Ge bahala kayo." Cool ko lang na sabi pero deep inside... Emegesh. Landi mode ako ngayon.
Pumunta kami sa washing station ng school at since sira yung gripo nagbuhat sila ng isang baldeng tubig. Ako naman ay hinintay sila.
Nung makarating sila ay agad na rin akong kumilos para mag-hugas. Medyo naiilang ako na naiinis. Pano ba naman kasi tintitigan lang nila akong dalawa habang naghuhugas.
"Hoy wala ba kayong balak na tulungan ako?" Kunot noong tanong ko sa kanilang dalawa. Tanging pagtawa lang ang kanilang isinagot
"Kaya mo na yan.. Hahahah"
Bushet na toh! Sasama sama tas ayaw tumulong yung totoo? Tss. Pag umpugin ko kaya ulo ng dalawang to? Ay wag. Baka masaktan si Tristan.
"Ano... Hannah may itatanong lang ako."
Natigil ako sa paghuhugas at hinarap sila na nakakunot ang noo.
"Ano?"
"Crush mo ba ako?"
Loading....
.
.
.
.
.
.
