Chapter II
Peace Officer's POV
"Nababahala na ang kataas taasan dahil sa mga nangyayare sa eskwelahan, una ang pagkamatay ni Principal Jing, sumunod ang kaguluhan sa faculty room at nung isang araw naman ay ang pagkasunog ng Laboratory sa East Building" panimula ni President Sattori habang seryosong nakapangalumbaba.
"Kung ganun, dapat na tayong kumilos" sabat ni Treasurer Ale.
"Hindi tayo pahihintulutan ng kataas taasan, wala pa tayong lubos na kapangyarihan." Sagot agad rin niya.
Bigla ko namang naisip ang Supremè Officer.
"Kung kaya, humingi tayo ng gabay sa Sumpremè?" Bigla kong naibulalas.
"Anong gagawin natin?, hindi natin mapapatigil ang gulo lalo na kung taga ibang eskwelahan ang may pakana ng lahat ng ito" sambit ni President Sattori na hindi parin inaalis ang kanyang paningin sa akin.
"Tayong Einstien lang ang makakagawa noon President Sattori, tayo malamang ang iniintay ng kataas taasan na kumilos sa ganitong sitwasyon" sabat bigla ni Vice President Sunday sa gilid.
Biglang tumahimik ang lahat, nagiisip nang ano bang dapat gawin. At manatiling walang ginagawa o kumilos....
Napakahirap analisahin sapagkat maaaring buhay naman namin ang isunod,pero mukang tama nga si Vice President Sunday, kami lang ang makakakilos. Sapagkat kami ang Einstien. Ang seksyong bukod tanging ginagalang at kinatatakutan.Biglang tumayo si President Sattori at lumagpas ng hakbang sa amin.
"Kung kikilos tayo dapat tayong gumawa muna ng plano...hindi natin mapapatigil ang kaguluhan kung hindi natin alam ang nasa likod ng lahat ng ito" sambit niya habang nakatalikod sa amin.
"Ngayon na ba natin gagawin ang plano?" Tanong ni Manager Ceasar.
"Hindi...pagiisipan muna natin ito, ayaw ko ng padalos dalos. Ayaw kong pumalpak tayo" sagot niyang muli.Naging maayos ang takbo ng aming usapan ng biglang tumunog ang cellphone ni President Sattori.
Sinilip lamang niya ito at pinatay din agad.
"Sa tingin ko, yun lamang ang paguusapan natin.Sasabihan ko nalamang kayo para sa sunod na pagpupulong. Officer Dismmissed" sambit niya na may ngiti na muli sa kanyang labi.At agad din siyang umalis sa silid na aming pinagpupulungan. Isa isa narin kaming lumabas, napagpasyahan na namin na doon dumaan sa kabilang hagdan dahil mas malapit iyon sa Cafeteria ng eskwelahan."Sa tingin ko hihiwalay na muna ako sa inyo, dadaan pa kase ako sa may locker. May nakalimutan kase akong dalhin" pagapapa alam ni Treasurer Ale.
Sabagay hindi na bago sa kanya ang mukang pagiwas nya sa amin.
Hindi palasalita si Treasurer Ale, para siyang si Secretary Kio na tipid magsalita.
"Sige,magingat ka" sagot ko.
Lumakad na kaming apat, nauna na kase si President Sattori.
Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa at bumili na agad ako sa Cafeteria.Treasurer's POV
Pababa na ako ng hagdan mula sa third floor ng makita ko si President Sattori na may kausap sa baba.
"Wala akong paki alam kung may masagasaan man sa plano , ang mahalaga ay mailayo nyu si Saber sa lugar na iyon" malumanay parin niyang tugon. Hindi nababahiran ng anumang expression ang kanyang mukha.Ngunit ang nakapagtataka ay ang pagkadawit ng pangalan ni Saber o ang Peace officer ng klase o mas kilala sa tawag na Sgt. Sanctuary.
"Opo President Sattori, aayusin po namin" sagot naman ng lalaking nakakubli sa dilim.Napakamisteryosa ng dating talaga ni President Sattori lalo na sa klase, hindi siya sumisigaw. Kundi puro kalumanayan ang makikita sa kanya,ngiti at mata na walang ekspresyon ang makikita sa kanya.
Anong plano ang sinasabi ni President? Nakapagtataka.Inintay ko munang mawala si Presidet Sattori at ang lalaki bago ako tuluyang bumaba.
Dumeritsyo ako sa aking locker upang kunin ang naiwan kong notebook doon.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng aking locker ng makarinig ako ng kalampag.
Sinilip ko muna kung may tao, ngunit wala namang tao akong nakita.
Muli kong hinawakan ang padlock ng aking locker ng makarinig ako ng mga kaluskos sa kabilang locker row. Pinanindigan na ako ng balahibo. Walang tao, at napaka imposible kung daga man iyon,dahil linggo linggong nagcoconduct ng pagpuksa sa mga iyon. Umihip ang malakas na hangin mula sa bintana.
"Hello, somebody out there?" Sigaw ko dito sa loob ng locker room.
Walang sumagot. Patunay nga na walang tao. Kahit na natatakot ay minadali ko nalamang ang pagkilos ko at pagkuha ng aking notebook, ngunit naramdaman ko ang malagkit na bagay sa loob ng aking locker. Masyadong madilim ang loob ng locker ko kung kaya hindi ko alam kung anong nahawakan ko.
Ilinabas ko ang aking kamay mula sa locker ko nang makita ko ang kamay ko na nababahiran ng maraming dugo.
Hindi ako makagalaw agad sa kinatatayuan ko. Sa pakiramdam ko ay nalulukuban ako ng takot at pangamba.
Binuksan ko nang malaki ang locker ko at ghinamit ko ang cellphone ko para makita ang loob ng aking locker.
Ngunit isang di kanais nais na bagay na nakapag patakbo sa akin palabas ng locker room ang nakita ko.Ang bangkay ni Cecelia....
BINABASA MO ANG
Class President Has A Secret
RandomIsang classroom na binubuo ng dalawampung mga magaaral. Section na bukod tanging ginagalang, Section na bukod tanging kinatatakutan, Section na puno ng kasinungalingan, Section na misteryoso sa buong eskwelahan, Section na bukod tanging pinamumunua...