Blue patch
Kinuha ko ang suklay sa harap ng salamin pati na rin ang fake korean small bag pack ko na nakasabit sa gilid nito. Nagmamadali kong hinila ngunit may ingat ang saksakan ng charger at kinuha ang Samsung J1 Mini Prime na cellphone ko. Nagulat pa ako nang umilaw ito at tumunog. Tumatawag si Delilah.
"Hello, GL? Saan ka na bang lupalop nagpunta? Kanina pa nagsimula ang klase." naiinis na sabi ni Delilah.
"Hindi ko narinig na nag-alarm ang cellphone ko, Lila. Sira na yata ito."
"Dalian mo na. Wala akong makokopyahan dito. May quiz pa naman ngayon. 'Pag ako bumagsak dito, lagot ka sa'kin!" pagbabanta niya.
Pagkatapos kong umu-oo pinatay na niya ang tawag. Matalik kong kaibigan si Delilah at sanay na ako sa gano'n niyang ugali. Hindi kasi ako 'yung tipo na kailangan mabait ka. Gusto ko 'yung nagpapakatotoo ka sa sarili. Pretending to be someone else can only lead you to failures and fake world. You can't reach anything because of a beautiful mask. It should be your true colors even if it's black, let them see it.
Noong 2nd year ko siya nakilala, nung time na nakipagbreak sa akin si Kiel. Hindi kami gano'n kalapit ni Lila kahit magkaklase kami but for some reason our path crossed. No'ng umiiyak ako sa likod ng eskuwelahan nakita niya ako at binigyan ng panyo. After that, we became bestfriend.
Paglabas ko ng pinto, nadatnan ko ang basag na mga bote sa sahig. Marahil ay lasing na naman si Tito Edgar o kaya naman nag-away na naman sila ni Tita Erel. Si Tita Erel ang kapatid ni mama at siya na rin ang nagpapa-aral sa akin. Madalas uminom si Tito Edgar pero hindi naman siya nananakit. Nagdadabog at naninira lang siya ng mga gamit, 'yon lang.
Pero hindi naman lahat ng magkakamag-anak malalapit sa isa't isa, 'di ba? Katulad nalang ngayon, nakataas ang isang kilay ni Tita Erel sa akin habang winawalisan niya ang mga bubog sa sahig.
"Ano bang pinaggagagawa mong bata ka?! Tinanghali ka na naman nang gising. Paano na ang pag-aaral mo kung palagi kang huli sa klase? Paano mo na kami mababayaran niyan? Jusko! Isang taon nalang, GL! Umayos ka naman." walang tigil na sabi ni Tita Erel.
Lumapit ako sa kaniya at nagmano. Huminga muna ako nang malalim saka nagsalita.
"Inaayos ko naman po ang pag-aaral ko, Tita. Para masuklian po ang itinulong mo sa amin ni mama."
"Aba, dapat lang! O, siya. Pumasok ka na."
Tumango lang ako saka lumabas na ng bahay. Sanay na ako na palagi niyang sinasabi na kailangang bayaran ko sila sa pagpapa-aral nila sa akin. Gagawin ko naman iyon kahit 'di nila sabihin. Kahit na gano'n ang pagtrato sa akin ni tita, malaki naman ang utang na loob ko sa kaniya. Siguro, natural na sa isang tao na bayaran ang kabutihang binibigay ng mga tao sa atin. Pinaalalahan rin ako ni tita na mag-aral nang mabuti at makahanap ng maganda't stable na trabaho para mapa-rehab ko na rin si mama. And speaking of my mother, nasa kanto na naman siya nakaistambay habang nagsusugal. Nakaburol ang anak ni Aling Esang sa kadahilanang namatay ito sa pagturok ng dengvaxia. Nakita ako ng nakatayong matandang lalaki na katabi ni mama. Siniko niya si mama at napalingon siya rito. Binalewalang tingin lang ako ni mama. Napabuntong hininga nalang ako.
Pumara ako ng jeep at sumakay na. Himala at hindi ngayon traffic sa daan. Makalipas nang limampung minuto ay nakarating na ako sa Queensborow University. One of the prestigious school ang napasukan ko. Scholar ako rito kaya pinagbubutihan kong mag-aral nang mabuti dahil dati pinapangarap ko lang ito pero ngayon natupad na. Someday, my hardwork will be paid off.
Sina-swipe ang mga I.D rito bago ka makapasok at iniscan sa CCTV kung ikaw nga ba ang nasa I.D'ng iyon. Pagkapasok ko, wala ng masyadong katao-tao dahil oras na ng klase. Tumakbo na ako at walang pakialam kung magugulo man ang buhok. Mamaya ko nalang ayusin kapag malapit na ako sa pinto ng room ko. Habang tinatakbo ko ang kahabaan ng hallway ay napalingon ako sa kanan sa hindi malamang kadahilanan. Bumagal ang takbo ko na naging lakad nalang. Nakita kong may mga kalalakihan malapit sa paradahan ng mga sasakyan na naninigarilyo at isa pa sa kanila ay may hawak ng bote ng alak.
BINABASA MO ANG
Beyond the Forlorn Hope
RomanceIf love conquers all, why did everything becomes a debris and dissapear like a colorful bubbles? Scars...wounds...broken heart...what else? Is there a possiblity to overthrow the obstacles? Or It will just getting worst day by day? The hope that can...