Sin 5

1.1K 14 7
                                    

Vanessa's POV

Hala, anong gagawin ko?! Kasalanan ko to! Kasalanan ko to!

"Vanessa, pwede ba, umupo ka muna? Hintayin na lang natin ang resulta. Papunta na din dito si Manang Loleng." sabi ni Misha pero hindi ko na pinansin. Paano kapag hindi maganda ang resulta ng operasyon niya? UWAAAAAH!! Baka hindi makasurvive si Kuya!

"Hoy! Ano ba! Nakakabanas na eh! Umupo ka na nga! Sumasakit na ang ulo ko kakasunod sa galaw mo, atras, abante, atras, abante! At saka, saan-saan naman lumipad yang imaginations mo!" Napaupo naman ako sa biglaang paghatak sa akin ni Misha.

"Misha, paano kapag hindi maganda ang resulta? Baka bumalik na naman sa dati si Kuya, at mas tumindi pa." Suminghap naman si Misha at hinawakan ang mga kamay ko. 

"Vanessa, ikaw ba ang bumangga?" Tanong niya.

"Hindi" 

"Ginusto mo ba tong mangyari?" 

"Hindi" 

"Eh ganun naman pala eh. Ba't mo sinisisi ang sarili mo?" Hindi ako nakasagot. Pero may part sa akin na parang nagsisisi at ewan! Hindi ko mapaliwanag! Masyadong mabilis ang mga pangyayari. 

"Hayy, ang mabuti pa ay magdasal ka at gwapo pa din ang kuya mo pagkatapos nito!" Natatawang sabi ni Misha kaya't napatawa na din ako. Maaasahan ko talaga siya, kasi kahit alam niyang hindi na ako mapakali sa sitwasyon na to, andyan siya para damayan ako. 

"Sino ang pamilya ng pasyente?" Napalingon kami sa nagsalita. 

"Ako po! Kapatid niya ako!" Tumayo ako bigla at lumapit sa doktor. Pati na din si Misha. 

"K-kamusta po ang operasyon doc?" Kinakabahan ako sa resulta! Lord! Sana'y ligtas si Kuya... 

"I'm sorry, we did our best but----" 

"OH MY GOD. ARE YOU SAYING KUYA IS DEAD?!" Kinwelyuhan ko ang doktor at niyugyog. 

"Naku! Vanessa! Bobitang to! Bitawan mo si Doc!" Bintukan kasi ako ng babae diyan kaya napabitaw ko sa kwelyo ng doctor. Napatingin naman ako kay Doc at nanlalaki ang mga mata niya at nakahawak sa kanyang dibdib. Sh*t baka mastroke si Doc. 

"Pasensya na po Doc, kakalabas lang din nito sa mental eh. Pero teka, ano po yung resulta?" Tinignan ko naman ng masama si Misha, anong bagong labas sa mental?!

"Anong---" 

"Hep! Hep! Keep quiet muna!" Tinakpan niya ang bibig ko at syempre, hindi na ako nakapagsalita
-___-. Ok, kanya ang floor. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Sinful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon