Hindi ko alam kung anong gaagwin ko. Pinagkatiwalaan ko siya. Lahat ng kaya ko ginawa ko para ipaglaban siya pero bakit? Bakit niya ako niloko?
Sabi niya sakin ako nalang ang kakampi niya. Sabi niya ako nalang ang sandigan niya pero hindi naman pala. Takte napakamakasarili niya!
"Lexie pwede ba? Wag mo naman akong talikuran. Kausapin mo ako"
Hindi ko siya pinansin sa halip ay mas binilisan ko pa ang paglalakad. Ayoko nang makinig sa mga paliwanag niya. Alam ko naman sa huli puro lang yun kasinungalingan.
"Lexie, please." Nagmamakaawa na ang kaniyang boses pero di ako nagpatinag.
Saktong paglabas ko ng eskinitang iyon ay ang paghawak niya sa kamay ko. Malapit na kami sa labas ng Monteverde at paniguradong makikita na siya ng guard. Sinubukan kong agawin ang kamay ko pero mahigpit ang hawak niya dito.
Nakikita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata ngunit sinuklian ko ito ng matalim na titig. Buo na ang loob ko. meron na akong sapat na rason at kongkretong dahilan para isumbong siya sa pulis. Kailangan ko siyang isuplong hindi dahil galit ako kundi dahil ito ang mas nakakabuti.
"Lexie...." tinignan ko siya mataman.
"Tama na Calix, kriminal ka at tanggapin mo na yon" unti unting lumuwag ang hawak niya sa akin kasabay nito ang unti unti niya ring pagluhod.
Pinigilan kong umiyak. Hindi pwede Lexie. Kapag nakita ka niyang umiiyak magkakaroon siya ng pagkaaktaong gamitin iyong kahinaan mo. Wag kang marupok ano ba?!
Nakayuko na siya nagyon. Hawak ang dalwa niyang kamay ang kanan kong kamay. Wala akong ibang naririnig kundi ang impit na hagulhol na nangagaling sa kaniya. Wag kang ganito Cal. Tumayo ka at harapin mo ito ng buo. Mahal kita pero hindi kita pwedeng kunsintihin.
"Oo kriminal ako Lexie pero..... pero kahit kailan hindi kita niloko. Totoo ang lahat ng sinabi ko. Mahal kita higit sa buhay ko." nanatili siyang nakayuko. "Pero kung yun ang ikakakampante mo" at tinignan niya na ako sa wakas. Alam kong unti unti nang tumutulo ang luha ko. "susuko ako"
Fvck this guy. Fvck him.
*******************************
Cast:
Alexienna Zabejo
Shawn Calix Estrella
-votes and comments-
YOU ARE READING
Monteverde 1: A Calix And Lexie Story
RomanceIn Monteverde Subdivision is where I loved the most sinner person. Where I loved an Inmate.