Now Free

140 21 31
                                    

While staring at the both of you, I come into a realization that it's not me whom you love from the start. It is her.

It is always her.

Napalunok ako at napakagat ng ibabang labi, pinipigilan ang sarili na umiyak. Nararamdaman ko na rin ang panghihina ng tuhod ko kaya napakapit ako sa poste kung saan ako nagtatago.

Hindi ako nagpakita sa inyo, ewan ko ba. Natatakot ako. Natatakot ako na malaman n'yong habang magkatabi kayong nakaupo, nag-uusap, at nagtatawanan. Nagtatago naman ako sa poste at pinagmamasdan lang kayo.

It hurts.

Seeing the one you love laughing wholeheartedly with someone else strikes me big time. Ni minsan kasi, hindi ka tumawa nang ganoon kapag kasama mo ako. Ni minsan, hindi ka tumingin sa akin gaya nang tinging pinupukol mo sa kanya ngayon.

But you know what it hurts me the most? It is the fact that the someone else you are with, is someone I knew very well—my best friend.

Damn! Ang sakit lang.

Pero, ang tanong ko, bakit ako?

Kung siya ang mahal mo noong una palang, bakit ako ang niligawan mo?

“Hubby! Bakit may dala kang bulaklak? Para sa akin ba 'yan?” masayang salubong ko sa 'yo, kasama ko noon si Jean, best friend ko. Alam ng lahat na gusto kita, hindi kasi ako iyong tipo ng tao na sinisikreto ang mga ganoong bagay. I was vocal in what I felt about you.

I believed that life was too short. Kaya habang may pagkakataon akong maging masaya, gagawin ko ang mga bagay na magpapasaya sa akin.

And you were the one who could make me happy.

You laughed, nervously and looked at Jean for a couple of second, then me. “A-ah, oo, sa 'yo na.” Ibinigay mo sa akin ang bulaklak na hawak mo at umalis na ng classroom.

Noong araw na iyon, sobrang saya ko. First time mo lang kasi akong binigyan ng materyal na bagay. Ako lang kasi lagi ang nagbibigay sa 'yo.

At dumoble ang nararamdaman kong kasiyahan nang mabasa  ang nakasulat sa nakatagong letter sa bulaklak na binigay mo sa akin.

“Will you be my girlfriend?” mahinang basa ko, lumuluha pa ako noon. Hindi kasi ako makapaniwala na darating ang araw na itatanong mo sa akin ang bagay na iyon.

That time, I texted you and said yes.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo habang nakatingin sa inyo. Namalayan ko na lang na tumigil na kayo sa pag-uusap at nakatingin sa isa't isa. Mata sa mata. Parang nag-uusap ang mga mata n'yo, hindi ko alam, pakiramdam ko lang ay ganoon ang nangyayari.

Unti-unti mong inilapit ang mukha mo sa kanya. Pumikit siya, dahan-dahan mo ring isinara ang talukap ng mga mata mo.

Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi.

Gusto kong ipikit ang mga mata ko nang oras na iyon, umiwas ng tingin, o kaya naman ay tumakbo paalis, pero hindi ko magawa. Parang napako ako sa aking kinanatuyuan, na ang tanging nagawa ko na lang ay hayaang umalpas ang mga luha mula sa aking mga mata, na parang sirang gripo.

At ilang sandali lang. . .nangyari na nga ang inaasahan ko.

You kiss her. Bagay na kahit minsan, hindi mo ginawa sa akin kahit alam ng lahat na tayo na.

* * *

After that incident, I ignore you. Hindi ko alam kung pansin mo iyon, pero baka hindi. Wala ka naman kasing pakialam sa akin.

Napabuntong-hininga ako nang maisip iyon.

Si Jean, hindi ko na rin gaanong pinapansin. Pero ramdam kong alam niyang alam ko ang namamagitan sa inyong dalawa. Hindi lang siya nagsasalita.

Pagkatapos ng klase, akmang aalis na ako ng classroom nang tawagin mo ako.

“Cathy.”

I want to cry. That's the first time you call me by my name. Silly girl lang kasi ang lagi mong tinatawag sa akin dahil sa pagiging vocal ko sa feelings ko para sa 'yo.

Sobrang saya ko no'n. Pero agad ding napawi ang sayang nadarama ko nang maalala ang eksenang nasaksihan ko sa parke noong nakaraang gabi.

I bite my lower lip, preventing myself from crying again. Ayaw kong makita mo akong umiiyak. Hindi kasi ako sanay na ipakita ang kahinaan ko sa ibang tao, kahit pa sa 'yo na taong pinahahalagahan ko.

Nakangiti akong humarap sa 'yo. “Bakit, hubby? May kailangan ka?” tanong ko, siniglahan ko pa ang aking boses para hindi mo halata na malungkot ako.

“Let's talk.” Lumapit ka sa akin at hinawakan ang wrist ko. Hinila mo ako at wala akong nagawa kundi ay magpatianod lang sa hila mo.

Iyon ang unang beses na ikaw ang humawak sa akin. Ramdam ko ang init sa palad mo. Kaya kahit malungkot ako, hindi ko maiwasang mapangiti.

“Saan tayo pupunta, hubby?”

Hindi mo ako pinansin kaya nanahimik na lang ako. Nasanay na ako. Ganoon naman kasi lagi ang trato mo sa akin.

Nang makarating tayo sa rooftop, binitiwan mo na ang wrist ko at humarap ka sa akin.

“May problema ka ba?” tanong mo, kita ko sa mga mata mo ang sinseridad; nag-aalala ka.

Ngumiti ako at umupo sa sahig. Ganoon din ang ginawa mo, umupo ka; magkaharapan tayo.

“Anong pakiramdam mo kapag tinatawag kitang hubby? Be honest.”

Nagpakawala ka ng malalim na hininga at tiningnan ako sa mga mata. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Siguro dahil natatakot akong malaman ang magiging sagot mo sa tanong ko. “It feels like a burden being liked by someone.”

Nang marinig ang sinabi mo, tumango ako at ngumiti. Hindi ko na rin napigilan ang aking luha sa pag-alpas. Ang sakit lang kasi, lalo na nang marinig ang mga salitang iyon mula sa 'yo.

Kung gusto mo rin ako, pabigat pa rin kaya ang tingin mo sa akin? I can't help but to wonder.


“Lahat na lang ng taong minahal ko, pabigat ang tingin sa akin,” mahinang naiusal ko sa sarili nang maalala ang parents ko, na wala nang pakialam sa akin. At ngayon, ganoon din ang tingin sa akin ng taong pinahahalagahan ko.

Agad kong pinalis ang luha sa aking pisngi at tumingin sa 'yo nang nakangiti. “You're free, Kyle. Simula ngayong araw na ito, malaya ka nang mahalin ang best friend ko.”

“Paano mo—

“Nalaman?” Tumawa ako, pero iyong mga luha ko'y sunod-sunod pa rin sa pag-agos.  “Secret!” Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagmamadaling tumakbo paalis sa lugar na iyon.

Masyado na kasing masakit. Kahit itago mo, nakita kong nagliwanag ang mukha mo nang marinig ang sinabi ko.

Congratulations, Kyle. You're now free. Sana maging masaya kayo.

* * *

Now Free | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon