Bumungad Kay Maggy ang isang binatang nakauniporme. Pagkakita nito sa kanya ay napatingin ito sa hawak nitong ID card.
"Anong kailangan mo?"
Bago pa ito makasagot ay kinuha nya Mula rito ang hawak nito, at nasagot ang tanong nya sa binata.
"Aah, nagkamali ka ng sinundan, magkasama kami kanina, kaibigan ko sya ako nalang magsusuli sa kanya"
Tumango na lamang ito bilang pag sang ayon.
Nakailang hakbang na ito palayo sa kanya ng maalala nyang may pupuntahan sya kinabukasan."Teka Lang!"
Napahinto ito at lumingon. Kaagad nya itong nilapitan.
"Base sa suot mong uniporme at school ID eh schoolmates kayo, tama? Kung pwede Sana ikaw nalang ang magsuli nito sa kanya"
Inabot nya rito ang ID card at tinanggap Naman iyon ng binata.
"Pasensya na, naalala ko kasing may kailangan akong puntahan bukas, baka Hindi makapasok si Jilienne kapag Hindi ko naibigay Yan. Ah, saglit, antayin mo ko rito"
Sinundan nya na lamang ng tingin ang babae hanggang makapasok at labas ng unit nito. At ngayoy nasa harap nya na ito, dala ang cp nito.
"Anong ginagawa mo, ba't mo ko kinukuhanan ng litrato, ha?"
Humakbang sya para agawin ang cp nito, ngunit agad nito iyong naiwas.
"Chill ka Lang, sabihin nalang nating verification code to para maconfirm Kung sinuli mo nga Yong ID ni Jilienne"
Paatras na humakbang si Maggy hanggang tumapat sa pinto ng unit nya dahil sa sama ng tingin ng binata, kinawayan nya ito bago tuloyang pumasok.
Naiwan ang binatang Hindi makapaniwala sa ginawa nito. Hindi ba katiwa-tiwala ang mukhang 'to! Babalikan Kita...
Ang babaeng ito na marahil ang nag mamay-ari nito. Hindi ito makapasok at may Kung anong hinahanap sa bag nito.
"Jilienne Alcantara?"
"Yes? I'm not a campus sweetheart so how do you know me by then?"
Iniangat ng binata ang kanang kamay hawak ang ID nito.
"Oh, it's mine. Thank you--" tumingin sya sa school ID ng binata "Jackson Cruz"
Pagkasabi niyon ay lumakad na ang binata papasok ng campus. Sa bilis ng paglalakad nito ay Hindi na nya nasundan.
"May hinahanap ka Jilienne?" Tanong ni Nikki, Isa sa mga kaibigan nya.
"May kilala ba kayong Jackson Cruz?"
"Isa sya sa member ng varsity team and also one of those heartthrobs. Bakit? Ngayon ka Lang nagtanong sa isang lalaki ha, interesado ka ba sa kanya, ha? Are you one of those honeybees?" Sunod-sunod na tanong ni Cindy.
"Honeybees?" Nangingiting tanong nito.
"Yon ang tawag sa mga fangirls ng mga flower boys kuno. Ano, Isa ka ba sa mga bubuyog na yon ha, Jilienne? Gagawa ka na Rin ba ng pakpak at antenna at hahapon sa bulaklak na si Jackson Cruz"
Natatawa na lamang sya sa tinuran ng kaibigan. "Parang Ganon na nga"
"Mag-iingat ka dahil maraming bubuyog sa paligid" dagdag ni Cindy.
"Jackson!" Hinabol nya ito ng lumabas out of nowhere.
Bumunggo ang noo nya sa likod nito ng bigla itong tumigil sa paglalakad."Ouch"