Walang tayo pero napapasaya mo puso ko
Sa tuwing magpapadala ka ng mga
Simpleng mensahe, na alam kong
Wala lang sayo.
Walang tayo pero habang tumatagal
May mga promises ka,
Promises na para sa magkarelasyon lang.
Walang tayo pero kapag hindi ka
Nagpaparamdam nalulungkot ako.
Walang tayo pero bakit bumubuo ako
Ng mga pangarap na ikaw...
Oo ikaw!
Ikaw ang kasama ko.
Walang tayo pero bakit ganun,
Nahihirapan akong tanggapin na balang araw
Balang araw magkakaron ka ng sayo,
Na matatawag mong kayo...
Hindi ba pwedeng maging tayo nalang?!
Para naman lahat ng paasa
Na ginawa mo sakin noon at hanggang
Ngayon ay magkaroon ng kabuluhan.. 😥
-102218