dalaga

44 2 0
                                    

Hi po,gusto ko lng ishare sa inyo ang problema ko,sana po basahin nyo po ito,bka sa kaling  matulungan nyo po ako,,,

Isa po akong dalaga,nakabibighani ang aking kagandahan,wla po akong kapintasan, lahat ng nakakakita sakin ay naiinggit,naaakit,at nasasarapan...ang tingin po ng mga lalake sakin ay isang ginto na lahat sila gusto akong maangkin...

lagi nila akong pinahihirapan at inaabuso po ang aking pagkababae,lagi po akong ginagahasa,minamaltrato,at nagpapayaman sa pamamagitan ko,alam nyo na po ang ibig kong sabihin...

pinahihirapan po ako ng mga tao lalo na po ang mga lalake...lahat po yata ng lalake ay natikman na ako...kaunti nalang po ang umiibig sakin,nandidiri na po ang iba sa kadahilanan na madami na po ang gumalaw sakin.. nawawalan na rin ako ng bait,.

Minsan nga habang umiiyak ako ay may nakakita pong dalawang lalake sakin,,,
...dahil hindi po kumukupas ang ganda ko ay naisip kong bka maawa at tulungan nila ako,

pero tinalo po ng sama ang kanilang konsensya,ginahasa po nila ako,at hindi rinespeto ang aking pagkababae,tinuring po nila akong hayop na walang silbi,,,ni hindi man lng nila inisip na may damdamin din ako

habang ginagahasa po ako ay tiniis ko nalang po at pinigilang sumigaw dahil wla dn namang tutulong sakin...dahil pa po hindi na bago sakin ang ganitong bagay

Siguro naiisip nyo na bakit hindi ako lumaban...Ilang beses ko na pong sinubukang lumaban pero lalo po nila akong pinahihirapan...kaya natatakot po akong magsumbong...

hindi ko na po alam ang aking gagawin...tulungan nyo po ako nahihirapan na ako,gusto ko na pong sumuko,,,pero naisip ko ang ilang nagmamahal sakin

teka lng,
siguro nagtatanong,napapaisip na kayo kung sino ako,na sa tinagal tagal ko nang nagkukwento ay di ko parin sinasabi ang pangalan ko...

Ako po ay isang dalaga,maganda parin kahit madaming nakatikim sakin,nakakaakit tlga ako kahit sinong nakakakita sakin...

Ako po ang PILIPINAS...ang dalagang kinaaaliwan ng karamihan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DalagaWhere stories live. Discover now