Ako si Nat.
Akala ko noong una, napakaswerte ko sa girlfriend ko. Hindi sya selosa, hindi sya nakakasakal, hindi sya demanding.
Akala ko, ganun lang talaga sya. Kaya hinayaan ko na. Kahit may nagtatanong ng contact # ko kahit sa harapan pa nya, okay lang sa kanya.
Akala ko sinusuportahan nya ako sa mga gusto ko kaya sya ganun.
Akala ko perpekto syang girlfriend ko.
Pero ang higit sa lahat, AKALA KO MALI ANG MGA AKALA KO, AKALA KO HANGGANG AKALA LANG ANG PAGKAKAKILALA KO SA KANYA.
November 2009
Nasa LRT Station ako, galing sa eskwela, pauwi sa bahay, at naghihintay para sa LRT papuntang Santolan.
Lagi akong nakaheadphone. Hindi dahil pamporma lang, kundi dahil ayaw kong naririnig ang mga bulung-bulungan ng mga schoolmate ko. Di ako sure pero mukhang may crush yung mga yun sakin. Pansin ko kasi na lagi ko silang kasabay pumunta sa station at lagi silang malapit sakin pero hindi naman sila sumasakay sa LRT. Haay, kung mga hard to get lang sana yung mga yun, malamang nagkagusto na ako sa isa sa kanila. Tipo ko kasi yung hard to get.
Speaking of hard to get. Ayon sya! Ang kaklase kong si Meyuri. Nasa kabilang side sya ng station, papuntang Recto kasi lagi nyang sinasakyan.
Nakaheadphone din si Meyuri, malamang ayaw rin nyang naririnig yung mga hiyawan nung mga kalalakihan sa tabi nya para sa kanya. Ang ganda kasi nya. Kaya nga niminsan hindi ko sya nagawang kausapin dahil sa tuwing kaharap ko sya, nabibingi ako sa lakas ng pagtibok ng puso ko.
Porma pa lang ni Meyuri, lovestruck ka na. Nakasalamin sya lagi, malabo ata mata nya sa sobrang kasingkitan ng mata nya. Super puti nya na animoy di na kailangang magsabon pa. Mga labi nya? Sobrang pula! Gumagamit ata sya ng lipstick. Nakauniporme sya pero dahil sa kaseksihan nya, napapamukha nyang semi-formal ang uniporme nya idagdag mo na ang mga bling-bling na nilalagay nya sa skirt nya.
Actually, kahit ganun sya nakakalovestruck, pansin sa kanya ang pagiging konserbatibo nya. Mukha, leeg, at kamay lang ang nakikitang hindi balot sa kanya e. Mahaba kasi medyas nya kaya hindi nakikita ang legs nya.
February 2010
Valentines day nung nagkalakas loob akong kausapin sya. Diniretsa kong tinanong sa kanya kung pwede bang manligaw, pero hard to get nga sya. Nabasted ako.
August 2010
Sinusuyo ko pa rin si Meyuri na payagan akong ligawan sya, at sa buwang ito napapayag ko sya.
November 2010
Napasagot ko sya! Grabe! Wala ng mas sasaya pa sakin! Nalaman ko pang ako ang unang boyfriend ni Meyuri. Sa ganda nyang yun, talagang nasurpresa ako na ako pala ang unang sinabihan nya ng matamis nyang oo.
Di ko maipinta ang mga ngiti ko. Parte na ng mga pangarap ko ang makasama habang buhay si Meyuri. Sya ang ideal wife ko. Maalaga, malambing, maaalalahanin, maawain, lahat na ng "ma"!
February 14, 2011
Hinintay ko sa tagpuan namin si Meyuri. Ito ang first valentine's day na kami.
Mag-isa akong naghihintay doon, nang nilapitan ako ng kaklase kong babae.
"Sino hinihintay mo?" tanong nya.
"Si Meyuri. May date kami ngayon."
"Aw, taken ka na pala."
Ngumiti lang ako.
"Um, pwede favor? Birthday bukas ng bestfriend ko, e super crush ka nya. Pwede makipagpicture sayo as my gift for her?"
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Manhid (One-Shot Story)
Teen FictionCopyright © 2012 by unknownanon_. All Rights Reserved.