Meyuri's Diary

341 14 8
                                    

2008

(no dates)

Entry #28

Binilhan ako ni mama ng lipstick. Kupas na daw kasi labi ko. Haha, ang sama ni mama. Ewan ko nga ba. Nagmumukha akong namumutla dahil sa labi ko.

Entry #63

Nakakahiya, sinabihan ako ng kaklase kong lalaki na medyo panipisin paggamit ko ng lipstick. Lalaki pa naman din.

Entry #65

Napansin ni mama na tumigil ako maglipstick. Nagalit sya, pinalo ako. Ano ako, bata? Di ko alam bat nagalit ng ganun na lang si mama. Umiiyak sya nung pinapalo ako. Naiyak na rin ako, hindi dahil sa palo, kundi dahil umiiyak si mama.

Entry #66

Nagkapasa-pasa ako sa legs ko. Hala, ano to?!

Entry #68

Sinabi ko kina mama at papa yung tungkol sa mga pasa ko sa legs ko. Sinisi ni papa si mama, galing daw kasi yun sa pagpalo sakin ni mama. E sa kamay naman ako pinalo ni mama e. Hindi sa legs.

Entry #69

Naabsent ako. Pinacheck up kasi ako ni mama.

Entry #70

Nagulat ako sa mga medyas ko. Ang hahaba. Hahaha, pero bagay din naman sa uniform ko. Good na rin to, di na ako mahihiya magskirt dahil sa legs ko.

2009

(no dates)

Entry #1

Nathaniel Santiago <3

Entry #14

Nadatnan ko si Nat sa station. Di ako nagpahalata pero tumayo ako sa harap nya, kaso nga lang nasa kabilang side sya. Ang cute talaga nya. Pareho pa kaming nakaheadphone kanina. Fineel ko tuloy na magkatabi kaming nakikinig sa iisang kanta.

Entry #46

Consistent ang oras ng uwian ni Nat! Nakakapagod timingan yung dismissal nya, mas huli kasi yung akin pero buti na lang nadadatnan ko pa rin sya. Hihi, at ulit ulit ulit ulit, sa harap nya ako tumayo. Grabe! Mahal ko na ata.

Entry #47

Dear Mr Nathaniel Santiago,

        Mahalin mo lang ako, pangako! Lahat ng ikakasaya mo, ibibigay ko. PANGAKO! <3 Hihihi

2010

(no dates)

Entry #50

Oh my God! Kinausap ako ni Nat. Liligawan nya ako! Kaso nahiya ako :(

Sinabi ko ayaw ko. Nakakainis! Ano na kaya tingin sa kin ni Nat? Oh God!

FEBRUARY 14, 2010 is so loved! I love you Mr Cupid! You're the best!

Entry #51

Hala, mapilit si Nat. Oh my God! Oh my God talaga!

Kaso nahihiya pa rin ako. Sige, sige. Bukas, papayagan ko sya. Yeeeee! Excited na ako!

Entry #52

BAD DAY! SUPER! :(

Di ko nakita today si Nat.

At ang nakita ko ay yung result ng check up ko nung last year. May stage 2 cancer ako. Leukemia. Kaya pala panay alaga sakin si mama.

Entry #53

Kinausap ko sina mama at papa. Sinabi ko sa kanila na alam ko na. Ayaw ko pang mamatay kaya gusto ko ipagamot nila ako! AYAW KO PANG MAMATAY! God, please? I beg you. :'(((

Ang Girlfriend Kong Manhid (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon