Guys, first time kong magsulat dito sa wattpad, di ko na masyado na edit un story ko...
subok lang...nagmamadali kasi ako eh...
just take my last day of vacay... balik work na bukas...
hope you like it...
“ Pinunasan ni Karen ang luha sa kanyang mga mata, tinitigan ang sarili sa salamin….
Ipinangako nya sa sarili ito na ang huling beses na iiyak siya…
“tama na ka-e-emote..Karen,
kailangan lakasan nya ang loob nya lalo na ngayon at iniwan na sila ng
kanyang ina…at sumama sa ibang lalake…
“Wala siyang kwenta, makasarili…bulong nya sa sarili…
Si Karen ay panganay sa apat na magkakapatid…
Sa edad na dise-sais ay higit na mas matangkad siya sa
kanyang mga kaklase …maganda at dalagang-dalaga na kung titingnan.
Kaya naman marami ang nagtatangkang manligaw sa kanya.
Ngunit mataas ang kanyang pangarap,
“Hinding-hindi ako magkakagusto sa mga gaya ko rin na isang kahig-isang tuka… ayoko na dito sa lugar
na ito… Sa ganda kong ito walang nararapat sa inyo”…
Madalas niya itong sabihin sa kanyang sarili sa
tuwing may lumalapit at nagpapalipad hangin sa kanya.
Alam niyang imposibleng makakita siya ng isang mayaman na mag-aahon sa kanilang kahirapan kung
hindi siya aalis sa masikip na mundong kanyang ginagalawan…
“ Ilang beses na rin ba siyang kinuhang muse ng paliga sa kanilang barangay…Di na rin mabilang
ang mga trophies na kanyang inuuwi sa tuwing siya ay sasali sa mga pa-kontesna pagandahan,
di rin naman pahuhuli si Karen kung talino ang pag-uusapan.
Isa siya sa sampung
pinakamatalino sa kanilang paaralan.. .
madalas nga nyang marinig ang mga katagang “Beauty and Brain” kapag siya ang pinag-uusapan.
Muli ay tinitigan ni Karen ang kanyang sarili sa salamin. Simula ngayon ako na ang bahala sa inyo,
sabay titig sa kanyang tatlong kapatid na umiiyak pa rin matapos nilang masaksihan ang paglisan
ng kanilang ina habang nakaabakbay pa sa lalaking kanyang sinamahan.
“ Kung hindi na tayo mahal ni Mama hindi natin siya kailangan, kakayanin natin mabuhay ng wala siya.
Alyssa tutulungan mo ako sa mga gawin bahay.
Malaki ka na kaya mo na rin alagaan si Boyet at Carla”
Nakatingin lang si Alyssa sa kanyang ate na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
sa Edad niyang 10, hindi siya sigurado sa mga sinasabi ng kanyang ate. Paano nga naman silang
apat na magkakapatid… si Boyet ay 8 at si Carla ay limang taon naman,
Magtatrabaho ako, pwede naman akong pumasok sa pabrika na pinagtatrabahuhan ni Rodrigo.
Ang tinutukoy niya ay ang kanyang kababata na si Rod. Masipag ito at gwapo, alam niyang nuon pa
man ay may gusto ito sa kanya. Ngunit inunahan na nya ito at sinabing manatili na lang silang