Get High With Me

24 0 6
                                    

Unedited, hindi ko pa naproof-read at maraming grammatical errors for sure.



*****

"Where the hell are you?!"

Sigaw niya sa kanilang linya.

Magsasalita palang sana ako ng muli niya akong sigawan, at ramdam na ramdam ko ang pagkainis niya.

Imbes na sumagot at sabihin sa kanya kung nasaan ako ay pinatay ko ang tawag. Bahala na kung magalit siya, masakit sa tenga ang pagsigaw niya.

Muling tumunog ang phone ko, pero muli ko siyang binabaan. Naiimagine ko na ang paginit ng ulo niya. Masyado yata akong nami-miss kahit alam naman niyang magkikita kami mamaya.

"Kung gusto mo akong makausap ng maayos, huwag mo akong sigawan!"

Bungad ko sa kanya ng pasigaw pagkasagot muli ng pangsampu niyang tawag. Alam kong nasa trabaho siya at mas inuuna pa niya ang pagtawag sakin kaysa ang unahin ang dapat niyang unahin.

"You're making me furious. Nasaan ka nga? Tapos na office hours mo hindi ka naman nagsabi na mago-overtime ka ah?"

"Uuyyy nag-aalala. Kiligin na ba ako?" sabay tawa ko.

"Don't start with me Katerina!"

Natahimik ako at pilit na sineryoso ang pagmumukha. Huminto ako sa paglalakad at saka siya sinagot. Mukhang galit na nga talaga ang koya natin, on the second thought mas mahal ko pala ang buhay ko kaya naman napagtanto kong huwag nalang siyang galitin pa.

"I'll meet my friends while waiting for you. Just walking around here at Glo while waiting for them. Don't worry we're still going to grab dinner together. Satisfied Shawn?

I rolled my eyes while waiting for his response.

"Much better."

"Why you're not working?"

I heard him growl on the other line. Bakit ba siya naiinis, nagtatanong lang naman ako. "You know the answer, don't make me say the things you already know."

I saw my friends walking towards me.

"My friends are already here, I'll hang up now. See you later!"

And before I can even put my phone on my bag, I saw my phone beeped at his text.

Shawty:

Sigh. I'm on break. Please update me your whereabouts.

I smiled bitterly at his message.

Sana totoo nalang. I can't help but wish na sana ako nalang.

Rereplyan ko pa sana siya, pero mas naisip kong huwag na lang. Sakto naman ang pagbati sakin ng mga kaibigan ko at nagsimula ng magaya manuod ng sine.

Magkaibigan lang kami ni Shawn. We have this magulong commitment. Andun kami sa point na kilig lang pero walang hulugan ng loob. Ang unang mahulog, talo.

Hindi niya alam marupok ako, talo na ako simula palang pero alam kong hindi ko dapat ipakita o iparamdam sa kanya na talo na ako. Kailangan kong magpakatatag at panindigan yung pagiging magkaibigan namin. Alam ko kasing mawawala siya kapag umamin ako, or kahit malaman man lang niya na may feelings na ako sa kanya.

Ang hirap niyang kasama sa araw araw na halos ako na yung nagiging takbuhan niya, simula ng iwan siya ng ex niya at pinagpalit sa iba, ako na yung taga salo ng mga lungkot at walang sawang kadramahan niya sa buhay.

Get High With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon