JD's POV"GISIIIIIINGGGG NAAAAAAAA!" Lintek nayan! Ang sakit ng likod ko! Tsk!
Tinignan ko ng masama yung bwisitang nanggising sakin at hula ko, ito rin ng tulak sakin sa kama ko eh -____-
"Ano ba! Umagang-umaga nambwibwisit kayo ah! Tsaka sino bang nagpapasok sa inyo dito sa kwarto ko? Trespassing kayo!" sinamaan ko ng tingin yung dalawang ugok na enjoy enjoy nman sa mga ginawa nila sakin.
"Tol baka naman kasi gusto mong kumilos na ano at baka malate pa tayo." –Kyle
"Atsaka nakakahiya nman kung malalate ka at idadamya mo pa kami dyan." Dagdag pa ni Chris sa sinabi ni Kyle sabay labas ng kwarto ko kasunod naman ni Kyle.
Hindi man lang sinagot yung tanong ko mga hanep talaga oo!
Tumayo na din ako sa pagkakasalampak sa lapag pagkalabas na
pagkalabas nong dalawang ugok at dumiretso sa banyo para maghanda sa pagpasok.
Kung nagtataka kayo kung sino yung mga yun, sa kasamaang palad sila lang naman ang mga kaibigan ko simula pagka bata pa lang.
Yung isa sa kanila ay si Kyle Steffan Vasco.
18 years old at moodmaker nmin pero masungit yan sa mga babae
pero napaka protective sa nakababata nyang kapatid na babae.
Panganay na anak ng mga Vasco.
At yung isa naman ay si Chris Zane Evans.
Nag-iisang anak na lalake ng mga Evans.
May dalawa syang nakakatandang kapatid na babae.
18 years old na din yan katulad namin.
And last but definitely not the least ay ako. John Dale Montereal.
Panganay ako nina mama at papa syempre.
May dalawa akong kapatid, sina Misty at Jared.
18 din katulad nong dalawa.
Pareho kaming tatlo na mahilig sa basketball,
katunayan nga eh Varsity kami ng school namin since last year.
Last year lang kasi kami lumipat sa school kasi trip lang naming.
Fast Forward na, hindi naman magandang I kwento paghahanda ko eh -___-
---
Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa building naming habang kung ano-ano na naman ang pinagsasabi ng dalawang ito.
"Pre? Narinig mo ba? Babalik na daw sila." –Chris.
"Oo nga daw eh. Bakit kilala mo ba sila?" –Kyle
"Hindi tol, ikaw ba?" balik tanong naman ni Chris
"Hindi din eh." At tumawa lang yung dalawang ugok.
Maypaka chismoso din tong dalawang to eh di lang halata.
"Ang ingay nyo oy! Ano pa pinag-uusapan nyo?"
"Hindi din namin alam tol, hindi nga namin kilala eh"
Misan mas masarap kausap yung supladong Kyle kesa sa ganito eh sarap lang batukan -___-
"Oh ayan! Yan na yata yung pinag-uusapan nila eh." Sinundan namin kung saan nakaturo si Chris.
Nagkukumpol-kumpolan yung mga students sa carpark
na para bang may artistang dumating.
"tara pre." Aya ni Chris na agad namang tinanggihan ni Kyle.
"Mabuti pa eh umakyat nlang tayo sa room. Baka malate pa tayo dyan."
Sumang-ayon din nman ako sa sinabi ni Kyle
kaya wala ng nagawa pa si Chris kundi sumunod samin.
Kung yung dumating ang pinag-uusapan ng mga student
eh di makikita din naming sila eventually.
Narrator's POV
-Car Park-
Tatlong magkakasunod sunod na Mercedes-benz ang
pumasok sa paaralan ng Stallon University
habang ang buong estudyante naman ng paaralan ay
nag-aabang sa paglabas ng sakay nito.
Unang bumukas ang pinto ng itim na Mercedes at bumaba mula dito ang isang babae.
Dahil first day palang ay hindi pa ito nagsuot ng uniform
sa halip ay suot nito ang isang ¾ na above the knee
with black belt on it's waist, sya si Trixie May Mendez.
Nag-iisang anak ng mga Mendez at kilala sa pagiging happy go lucky
at sa pagiging pala kaibigan nito.
Sunod na lumabas ay ang babaeng sakay ng itim na Mercedes.
Suot nito ay isang pink sleeveless dress na above knee
na pinatungan ng itim na cardigan,
siya ay si Alyanna Louisse Santiago
ang nag-iisang anak ng mga Santiago.
Kilala sa pagiging snob at mailap sa tao pwera sa mga kaibigan nito.
Huli namang bumaba ang babaeng sakay ng white Mercedes.
Unlike sa dalawa, wala itong kasamang driver.
Katulad ng dalawa ay hindi rin ito naka uniform
sa halip ay naka ¾ black top ito at checkered fitted skirt ito.
Sa kanilang tatlo si Nathalie Charm Fortalejo ay kilala sa pagiging cold.
Everybody calls her Charm
dahil ayaw niya na tinatawag sya sa first name nito.
Siya ang nag-iisang babae sa angkan ng Fortalejo.
![](https://img.wattpad.com/cover/180488551-288-k687553.jpg)