"Kuya, tara na dalian mo mahuhuli na tayo" -Mae
"Oo, sandali lang may kukunin lang ako" sigaw ko sa nakababata kong kapatid na si Mae.
Puputa kami sa Sorsogon upang icelebrate ang kamatayan ng lola ko. At kung payagan kami ng mga tyuhin namin ay doon na kami titira.
Nakasakay na kami sa bus at tulog na rin ang ang kapatid, habang nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Ngayon ko lang uli nakitang matulog ang aking kapatid ng ganito, mahimbing simula ng mamatay ang aming mga magulang.
Patay na rin pala ang aming magulang matapos ang insidenteng nangyari mga taon na ang nakalipas, in short ulila na kami. Kaming dalawa nalang ang magkasama sa buhay. Isa akong Medecine Graduate at high school naman si Mae.
At baka magtayo din ako ng isang public clinic sa Sorsogon dahil wala masyadong naggagamot doon.
Ginising ko na ang aking kapatid dahil malapit na kami,
"Ano ba kuya" -Mae
"Malapit na tayo" sabi ko sabay ngiti :) !!!
Nang bumaba na kami sa bus, dumeretso kami sa sakayan ng jeep. Medyo malayo layo pa ang byahe at kung maglalakad kami baka abutan kami ng gabi at mapudpod pa ang tsinelas namin.
"Para" sabi ko sa driver.
"Dito na ba tayo kuya?" -Mae
"Sasakay pa tayo ng tricycle!" sabi ko
"Huh?" -Mae
"Hindi ka pa nga pala nakakapunta dito ano?, elementary palang ako ng magpunta kami dito nila Mama at Papa, wala ka pa nun"
Sumakay na kami ng tricycle, at nakapunta na kami sa bahay ng aking Tyuhin na si Uncle Lito!!!
_____________
pakiintay na lang po ang susunod na update. sana nagustuhan nyo to.... Sorry sa mga di nakagusto kasi first time ko to.
ahahaha