Broken </3

4 0 0
                                    


Less than sign, slash, and number 3 is equal to broken heart.

'' I'm okay"

Ang pinakasinungaling na salita.

" I'm okay"

Pero deep inside durog na durog kana.

Bumangon ako sa kama at dumiretso na sa banyo. Habang naliligo ramdam ko parin ang hapdi sa aking mga mata.

Umiyak nanaman ako. Hanggang ngayon ang sakit parin kasi.

Pero okay lang ako sa harapan ng maraming tao.

Humugot ako ng malalim na hininga. Buti nalang talaga naimbento si concealer. Kayang takpan lahat,  yun nga lang hindi permanente. Parang sa feelings, pwedeng pagtakpan pero hindi talaga nito nabubura ang sakit.

Habang pababa ng hagdan ay nakaplaster na ang pang artista kong ngiti " hindi halatang peke'

"Good morning po" masiglang bati ko kay mama at papa. Naninibago na wala si ate sa lamesa. Dalawa kaming magkapatid. Si ate Cindy, kakakasal lang sa huwes noong nakaraan. Saka bumukod na. Buti pa siya masaya. Nakakainggit!

Nakangiting bumati sakin ang mga magulang ko. Masaya kaming kumain na parang walang masakit na pinagdaanan sa pamilya. Masaya. Nakangiti.

Minsan napapaisip ako kung masaya ba talaga sila o tulad ko nakangiti rin pero sa loob loob hindi masaya. Nahuhuli ko minsan nagtitinginan sila tapos magbubuntunghinga ng malalim si papa.

Humalik ako kay mama at papa bago tumulak sakay ng i10 ko papunta sa eskwelahan.

"Good morning ma'am" Bumati rin ako kay Manong  Guard na nginitian at sumaludo pa pagkadaan ng sasakyan ko.

" Good morning ma'am" masayang bati ng mga bata. Napangiti ako sakanila. Buti pa ang mga bata, kapag ngumiti alam mong tunay. Walang kaplastikan.

"Magandang Umaga po Binibing Costales" sabay sabay na bati ng mga mag-aaral sa ikatlong baitang.

" Magandang Umaga rin mga bata, may lumiban ba sa mga kaklase ninyo ngayong araw?" Malakas at masiglang bati ko sa mga bata.

"Ms. Costales, Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jeffrey, isa sa mga guro sa pinagtatrabahuan kong paaralan.

Napansin kong pasimpleng tumingin ang ibang guro na nasa loob ng faculty room. Kaninang umaga pagpasok ko palang ay nakitaan ko na ng kuryusidad ang kanilang mga mata pero si sir Jeff lang ang nangahas magtanong. Araw-araw ko siyang iniiwasan at mabuti nalang, late siya kaninang umaga kaya ngayong hapon lang niya ako nakita. Tsismoso pa naman to. Tssk Kalalaking tao eh.

Humarap ako sakanya ng nakangiti.
"Okay lang, ikaw?"

"Hindi ako okay" seryosong tugon nito.

Umawang ang labi ko sa di inaasahang sagot niya. Sana kaya ko rin yang sabihin. Sa loob loob ko.

Ngumiti ako sa kanya at tinapik ito sa balikat bago kunin ang bag ko at umalis.

"Sandal-" hindi ko na siya pinatapos at dali daling sumakay ng sasakyan ko paalis. Ayokong umiyak sa harap nila. Nakakahiya .

Matagal ng may gusto sa akin si sir Jeff. Pero hindi kasi siya ang itinibok ng lintik kong puso. Paano kung siya yung pinili ko noon? Masasaktan rin kaya ako tulad ng nararamdaman ko ngayon?
Ayaw ko namang manggamit ng kaibigan para lang makalimutan siya. Hindi naman ako manloloko. Hindi tulad nila.

Dumaan ako sa kilalang fastfood para bilhan si papa ng paborito niya. Sa pagmamadali kong makauwi kanina nakalimutan ko ng magcr kaya imbes na sa drive thru, pumasok nalang ako ng store.  Para naman kahit papaano makakita ako ng mga taong masaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon