{Full} Unforgettable Night

4.1K 26 0
                                        

*clack...Clack...

Dinig sa hallway ang heels ng babaing nakasuot ng Red coat na papalapit sa akin.

"Mmnn!!!Mmnn???!!!"

Wala akong mailabas na salita mula sa aking bibig sapagkat ito'y nakatakip ng tape habang ang aking mga kamay naman ay nakagapos sa upuan.

Mayamaya pa ay huminto na ang babaing naglalakad sa aking harapan tinusok ang patalim sa ilalim ng mata ko habang dahan dahan nyang tinatrace ang aking mukha gamit iyon.

"Mmhh!!!mmhhh!!!"

Mga luha ko'y walang tigil sa pagpatak at ang katawan ko'y nanlalamig na sa takot na baka sa isang kurap lang ay mabawian na ako ng buhay.

Dahan dahan ay itinaas nya ang kamay nyang may hawak na patalim at nagaakmang kukuha na ng buhay ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inihanda ang aking sarili hinintay ko ang sandaling magwakas ang buhay ko ngunit hindi ito dumating.

Hindi ako ang naranasan ng buhay kung hindi siya. Mga mata niya'y nanlalaki habang dugo naman ay tumagas mula sa kanyang pulang labi. Sya'y nakahandusay sa sahig at mayroong butas ang kanyang dibdib na kanina'y wala.

"..."

Napatahimik ako sa bilis ng nangyayari. Mga luha kong kanina lang ay tumatagaktak ay ngayong nahinto na at ang boses ko na kaninang gustong gusto kong ilabas ay di ko mailabas tila ba nanigas ang Vocal Chord ko.

*chuck...chuck...

Ibang tunog naman nang sapatos ang aking narinig. napatingin muli ako sa pinto at sa labas ng pitong iyon ay may mga katawang naka Honduras din na basag o warak ang kanilang mga ulo naamoy ko ang mga dugomula sa kanyang kamay kahit na wala namang mantsa ng dugo ang kanyang damit.

"Mm-..."

Magiingay na sana ako muli upang humingi ng tulong sakanya ng may makita akong pumasok sa loob na mas nakakabata pa sa lalaking una kong nakita kung huhulaan ko ang idad nya sya'y malamang mga 17 o 16 na taong gulang. 10 palang ako kung kaya't di ganoon kalaki ang agwat ng aming idad.

Napahinto ako at nagduda sa lalaking iyon. Sya'y may itim na buhok at kulay blue na mata...he's mixed.

Dahan dahan naglakad sya papalapit sakin. Mga kamay nyang malamig ay dumampi sa gilid ng aking pisngi bago nya dahan dahan tanggalin ang tape at sa pagka tanggal nya ay bigla nya kong hinalikan na para bang dami lang at ngumiti sya sakin.

"Young Master what should we do about this girl?"

"Mmm...bring her back with us"

"but young master!"

"...did you not heard me, philip?"

Mga mata nya'y nanlamig ng tumingin sya sa kasamahan nyang tinawag nyang Philip.

Di tulad nang pagtingin nya sakin na may halong pagka saya at pagka curious sa pagtingin nya sa lalaki na si Philip ay walang bahid ng ano mang emosyon ang kanyang mata at ekspresyon.

"Sino..."

"shh"

Inilagay nya ang kanyang hintuturo sa harap ng aking labi at sinabing.

"wag ka matakot wala ng panganib"

Simula noon ay sya na ang aking tagapag tanggol,tagapangalaga,at ang magiging malaking parte ng aking buhay.

_______________________________________

10 years later

"Mmm...."

((SPG))Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon