Prologue:
“ M-Mommy…..”
“You!”
Nang-gagalaiti niyang sigaw, kasabay nito ang pagduro sa akin.
“Why did you do this to me ha? Anong ginawa ko sayo bakit mo ako ginaganito? Deim kahit kailan hindi kita sinaktan! Kahit kailan di kita pinabayaan! Dahil bilang ina mo kapakanan mo lang lagi ang iniisip ko! kahit wala na nga sakin at sa kapatid mo eh, pero ito.. itong ginawa mo, sumobra ka naman ata deim! Sobra ka na! ”
Para akong nabibingi habang pinapakinggan lahat ng hinanakit niya sa akin. Gusto ko siyang pigilan, gusto ko siyang yakapin at sabihing tumigil na dahil naririndi na ako, gusto kong magpaliwanag.
“M-Mommy…..”
“Don't call me mommy! Wala akong anak na demonyo! At simula ngayon hindi na kita kikilalaning anak! Get the hell out of here ! And don't you ever… EVER come back!”
Lahat ng paraan gusto kong gawin para matapos na, para diko na maramdaman ang sakit, pero bakit?
Ngayong tinititigan ko ang mga mata niyang punong-puno ng galit at disappointment, para akong natutunaw, parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa o kaya maglaho nalang bigla sa harap niya.
Tinatakwil na niya ako.
Ang sakit sakit. Ang bigat sa pakiramdam.
Hindi ko na kinakaya.
PAK!!!!!!
Isang malakas at nakakabinging sampal ang naramdaman ko sa aking kaliwang pisngi at sa tingin ko namanhid ito.
“Umalis ka na..”
Mahinahon ngunit may diing utos nito sakin, tsaka niya ako tinulak palabas ng pinto.
“Umalis ka na hangga’t kaya pa kitang tignan bilang tao..”
“B-Bakit?”
Nakayukong tanong ko sa kanya. Dahil hindi ko na maintindihan. Litong-lito na ako punyeta!
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kahit pakiramdam ko anumang oras babagsak na lang ako bigla.
Nanginginig rin ang mga tuhod ko pati buong katawan ko.
Pero wala akong pakealam, gusto kong marinig mula sa kanya kung anong dahilan, bakit niya ginagawa sakin to. Ano mang mangyare hihintayin ko ang sagot niya.
“Deim?”
Bigla akong natigilan, at para bang huminto ang pagtibok ng aking puso ng marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko na nga rin malaman kung humihinga pa ba ako. Para akong na paparalize sa kinatatayuan ko.
“Please..”
Dahan-dahan kong iniangat ang panigin ko sa kanya, hindi ko sigurado kung pano ko nagagawa yun, siguro dahil sa malumanay na pakikiusap niya sakin, pero isa lang ang masisigurado ko ngayon..
Ang taong dahilan kung bakit galit na galit sa akin si mommy ay nandito sa harapan ko.
“Please. Deim…. Stay away…. from my family.”
Bumagsak ang mga balikat ko, kasabay nito ang pagbagsak din ng mga luhang kanina ko pa pinipigalan, dahil ayokong ipakita sa kanilang mahina ako.
Sanay akong mapagalitan dahil sa katigasan ng ulo ko pero sana.. sana panaginip lang lahat ng 'to ayoko ng ganito.. nasasaktan ako.. please bawiin niyo lang lahat ng sinabi niyo sakin promise kakalimutan ko lahat ng nangyare sa araw na to.
Biglang umihip ang malakas na hangin at kasabay nito ang malakas ding pagbugso ng ulan, na tila ba nakikisabay din sa mabigat at masakit kong pinagdaraanan.
“Umalis kana..”
May diin at maawtoridad nitong utos sa akin.
Nanlumo ako matapos kong marinig mula sa kanya ang mga salitang yon. Di ko inaasahan, ang hirap tanggapin. Ang sakit sakit na…
Walang lumalabas maski anong salita sa bibig ko, nakatingin lang ako sa kanya nagbabakasakaling bawiin niya lahat.
Gusto kong magreklamo pero hirap na hirap akong gawin.
Bakit? Sagutin niyo lang ang tanong ko kung bakit, para malinawan ako, para maintindihan ko.
“OUT!!”
Sigaw ni mommy, tsaka ako tinulak ulit palabas ng pinto.
And this time nababasa na talaga ako ng ulan.
“I-I’m s-sorry”
Hindi ko alam kung bakit ako humingi ng paumanhin sa kanila, hindi ko din sigurado kung bakit ako nasa ganiting sitwasyon, bagay na nakapag-pahirap lalo sakin dahil nakikita kong wala silang pakialam, at nararamdaman ko na rin ang bigat ng buong katawan ko dala ng halo-halong emosyon.
Sh*t Ayoko na.
Ayoko ng makaramdam ng sakit.
Para na akong mamamatay.
Tinalikuran ko na sila, dahil wala na rin naman akong mapapala kapag nag stay pa ako. Lalo lang sila magagalit. At baka kaladkarin na ako palabas ng gate kung magmamatigas pa ako.
Habang naglalakad, oo aaminin ko at nakakatanga mang isipin pero umaasa ako...
Umaasa akong pipigilan nila ako, na maaawa sila sakin,
Kahit yun nalang ang iparamdamdam nila. Kahit awa nalang. Wag lang yung ganito, kasi hindi ko kaya, hindi ko na kinakaya.
Ilang minuto pa ang nakalipas, pero wala maski anino nila ang nakita ko.
“Bobo mo naman deim, kaya ka nga pinalayas di ba? Para di ka na nila makita, tapos hihiling ka na nga lang yung imposible pa, gago.”
Pilit ang ngiting sabi ko sa sarili. Nababaliw na ata ako, bukod kasi sa hindi ko alam kung saan ako papunta, di ko na din alam kung mabubuhay pa ako sa sitwasyon kong to.
Sana lang matapos na. At pagkatapos nito, ako naman.
Ako naman ang magpaparamdam kung gano kasakit at kahirap ang pag akusahan ng mga bagay na kahit kailan di mo naman kayang gawin.
Tandaan niyo yan. Itaga niyo sa bato!
Follow me on my SMA's:
Facebook:
https://www.facebook.com/jenijoyce.domingo.1
Twitter:
https://twitter.com/Jeni_Joyce027
Instagram:
https://www.instagram.com/jenijoycedomingo/
*******************************
Hey guys! I'm a newbie here at wattpad world.
Your Votes, Comments, Likes will be highly appreciated and it means so much to me.
Hoping for your continuous support.Thank you in advance. I love you (heart-heart)

YOU ARE READING
DIM (On Going)
General FictionI will embrace the lights for it shows me the way, yet I will endure the darkness for it shows me the stars.