SAKIT </3

18 0 0
                                    

SAKIT </3

Madalas nating sabihin..

“Kaya ko pa!”.. kahit hindi na.

“Lakas ko kaya!”.. kahit nanghihina na.

“Masaya ako.” ..kahit nalulungkot na.

At

“Okay lang ako.”

..kahit nasasaktan na.

Alam mo kung bakit?

Expect ka kasi ng expect eh! Ayan tuloy..

..nasasaktan ka.

Pasensya ha? Babae tayo e.

..”DAKILANG ASSUMERA”

Eto kasi ang problema sa mga babae. Nasabihan lang ng “I Love You”, wala ng pinapakinggang iba. Namatay na ang five senses natin sa sakit na maaaring idulot ng tatlong salitang iyon.

Puro masasaya at nakakakilig na lang ang iniintindi natin.

Kasi akala natin okay na.

Kasi akala natin pag alam nilang pinagkakatiwalaan natin sila, hindi na tayo sasaktan.

Jan tayo nagkakatalo. Sa maling akala..

Lahat ng saya..

..may sakit.

 Hindi naman talaga nawawala ang sakit eh. Iniisip natin na hindi tayo kayang saktan ng mga taong mahal natin.

“Wag kang tanga.” Sabi sakin ng subconscious ko.

Kung gaano ka kasaya at kainlove, ganun din ang sakit na mararamdaman mo.

Magkakambal nga ang saya at sakit diba? Swerte mo kung fraternal ito. Hehe. Joke yun, tawa ka naman. :D

Ayy. Wag ka na palang tumawa.

Alam kong Pseudo Smile lang yan.

Alam ko namang hindi ka talaga natatawa.

Alam kong hindi ka masaya.

Alam ko namang..

..nasasaktan ka.

Gamitin mo minsan utak mo.

Hindi lang puso ang pinapagana.

Hindi lang puso ang nakakaramdam.

Hindi lang puso laging sasagot sa mga tanong mo.

Hindi naman kasi talaga puso ang ginagamit eh.

AMYGDALA.

Amygdala ang nagkokontrol ng emosyon ng isang tao.

Alam mo kung saan nakalocate ito?

SA UTAK.

Therefore, utak ang pinapagana..

..at hindi ang puso.

Alam mo bang pare-pareho lang ang laki at timbang ng mga utak natin?

Kung kaya’t kaya mo ring magisip higit sa iniisip ko.

Alam kong alam mo ang ikabubuti para sayo.

Alam kong alam mo ang tama at mali.

Alam kong alam mo ang saya at sakit.

Magisip-isip ka.

Andito lang ako, kaibigan mo.

Andyan lang siya, tingala ka lang.

Gagabayan ka namin. :)

aperfectlygoodheart

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon